May karapatan bang maghabol ang ibang kapatid kung walang paalam na linagay sa pangalan nila ang lupa?

Shem Delfin
is a operations in the Philippines

May karapatan po ba ang anak na ilagay sa titulo ng lupa ang pangalan nila kung ang nakalagay sa rights by government ay pangalan ng magulang nila?

7 silang magkakaptid pero ang panganay at pangalawa lamang ang nagusap na ilagay ang titulo sa pangalan nilang dalawa. May habol po ba ang ibang kapatid nito?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi mo kasi nabanggit kung ano'ng klaseng award ang ibinigay ng gobyerno sa mga magulang mo. At hindi ko din naman nakita ang mga papeles.

Ganito kasi iyon. Kalimitan, ang mga ari-ariang nakamtan ng mga magulang habang sila'y buhay pa, ay mapupunta sa kanilang mga anak (hati-hati) kapag sila'y namatay na. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, kung bakit ang awardee naman ay magulang ninyo pero ang titulo ay nai-issue sa pangalan lamang ng dalawa ninyong kapatid.

Maaaring sila ang nagbigay ng pang-gastos sa inyong mga magulang, o kaya'y pina-unahan nila ng pambayad ang inyong mga magulang kung kaya't napunta sa mga magulang ninyo ang lupa. Hindi ko alam. Wala kasing linaw masyado ang post mo.

Baka naman pina-utang nga mga kapatid mo ang iyong mga magulang na ginamit nila sa pagpapa-ospital o kaya'y pagpapalibing, o kaya'y pinam-bayad sa mga utang ng iyong mga magulang at ang kapalit noong halaga ay ang lupa. Hindi ko alam.

Ang pinaka-maigi ay mag-usap kayo. At ikaw ay komunsulta sa isang abogado, humingi ng payo na dala-dala mo ang lahat ng documento patungkol sa award na ibinigay ng gobyerno sa iyong mga magulang.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung napatunayan na minaniobra nila o pinalsipika nila ang mga papeles upang palabasin na sa kanila pinamana ang lupa, kung kaya't naipa-issue nila ang titulo sa kanilang dalawa, malamang sa magkaka-demandahan pa kayo.

Ang problema lang nito, baka kayo magka-gastos ng malaki para habulin ang inyong parte doon sa lupa, tapos naman pala, ang halaga ng lupa ay maliit lang, o mas maliit pa doon sa maaari mong gastusin para habulin ito -- eh, baka mas mabuting bumili ka na lamang ng sarili mong lupa.

Pero, talagang ang mga kapatid ay dapat na share and share alike ang hatian sa mga ari-ariang naiwang ng kanilang mga magulang unless na may last will and testament. Kumausap kayo ng abogado at nang maka-kuha kayo ng payong legal.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.