May pamana pong lupa ang mga magulang ng tatay ng asawa ko sa kanila. 24 hectars

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May pamana pong lupa ang mga magulang ng tatay ng asawa ko sa kanila. 24 hectars po.at dahil ang isa nilang kapatid ay bata o tauhan ni bise mayor. Ipinangalan po sa kanya yung lupa para ilaban ang kaso kasi po may malaking kumpanya na nagpatayo sa kanilang lupa. Nanalo po sila sa kaso. Malinis na po ang lupa. Kaso ang problema. Hinahawakan na ng bise mayor ang titulo at may interest siyang bilhin ng maliit na halaga ang lupa. At sabi sa tatay ng misis ko na wala daw sila karapatan sa lupa kasi hindi daw sila ang naghirap sa lupa.ang tanung kopo may karapatan po ba ang tatay ng asawa ko at ibang kapatid nito sa lupa.? At anu po ang pwedeng ikaso sa bise mayor kung sakaling binayaran ng magkakapatid ang ginastos nito at ayaw parin ibigay? Nga po pala ang isa nilng kapatid na nakapangalan ay mukhang pumapayag sa gusto ng bise mayor.. ano po ang dapat gawin ng magkakaptid ukol dito.. maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sinabi po ninyo na ang lupa ay "ipinangalan" sa isang kapatid ng tatay ninyo (o asawa ninyo). Kung ang lupa po ay nakapangalan na, ibig sabihin po nito'y may titulo na ito at ang kapatid ay registered owner na.

Ang isa pong titulo ng registered owner ay imprescriptible -- ibig sabihin po'y kahit ilang taon ang dumaan, walang makaka-angkin ng lupa kundi ang taong bentahan o bigyan ng registered owner.

Ngayon, hindi komo't ang actuwal na documento ay nasa hawak ng isang tao, ito'y kanya na. Kung ayaw pong ibalik sa inyo ang titulo, kadali naman pong pumunta sa Register of Deeds at ireport na ito'y lost upang ang titulong hawak noong taong ayaw ibalik sa inyo ay mawalan ng bisa at isang bagong owner's copy ang i-issue sa inyo.

Ito pong sagot ko ay legal na sagot, batid ko po na sa mga kanayunan, ang mga opisyal ng gobyerno na tinitingala ng mga pulis at pinagkaka-utangan ng loob ng marami ay mistulang mga hari na nakukuha kung anuman ang ibig nila.

Hindi ko po alam kung ano ang ipapayo sa inyo, batid ko po ang panganib na dulot ng pag-salungat sa mga taong may kapangyarihan. Maari po ninyong ireklamo sa pulis, ngunit kung ang pulis ay kamag-anak din ng bise-mayor sa inyo, mahihirapan. Maaari din naman ninyong ireklamo sa media o sa Ombudsman at nang ma-iskandalo ang bise-mayor ay mahiya naman siya, ngunit, ayun, may panganib din iyon.

Ang pinaka-mahusay ay ang komunsulta kayo sa abogado na may tining ng loob na ipaglaban ang inyong mga karapatan sa ilalim ng batas.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.