May property family namatay po si father ang nakalagay po sa title si father

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May property po ang family, namatay po si father ang nakalagay po sa title si father married kay mother, may anak po na tatlo, yung pangalawa namatay na may anak dalawa kasal sa asawa buhay pa si mother. Ano po ang rights ni mother laban sa manugang at mga apo niya na sinasabi po nung manugang na ibinilin daw po ni father ung apartment sa kanya bago mamatay? Wala po last will. Hearsay lang po dapat po ba mao-obliga si mother at kaming magkapatid sa sustento sa mga bata at inaangkin nila na sa mga bata na daw yung paupahan at hindi kay mother. Salamat po



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, let me see if I understand: may lupang nakapangalan sa tatay mo at sila'y kasal ng iyong ina. May tatlo silang anak na ang isa, namatay na at may dalawang anak ito. So, ang gusto ng asawa ng kapatid ninyo, sustentuhan sila ng iyong ina mula sa kinikitang renta mula sa mga paupahan na nakatirik sa inyong lupa, ganoon ba?

Una, kung sino ang registered owner, sila ang may karapatang makinabang sa kita ng lupa. Since ang mga magulang ninyo ang registered owner, sila ang may karapatan na makinabang sa kita. Ngayon, kung namatay na ang tatay ninyo, puedeng paghati-hatian ng mga heirs ang kinikita noong paupahan. Since ang heirs ay: tatlong anak at ang asawa ng registered owner, sila ang maghahati-hati.

Pero, hindi pare-pareho ang hatian. Dahil sa ang nanay ninyo ay legitimate spouse ng inyong ama, ang lupa ay nabili o natituluhan habang sila'y mag-asawa, sila ay hati. So, kalahati ay sa ina ninyo, at ang kalahating bahagi ng inyong ama ang inyong paghahati-hatian. Ang kalahati ng iyong ama ang hahatiin sa apat (tatlong magkakapatid at asawa). So, ang kabuuan ng rental income, hahatiin by 8 shares. Sa nanay ninyo, mapupunta ang 5 shares (4 ay iyong kanyang portion ng conjugal partnership, at ang isang share ay iyong parte niya sa bahagi ng inyong tatay). Kayong magkakapatid, tig 1/8.

Iyong kapatid mong namatay, entitled sa 1/8 share. Iyon ang para sa mga anak niya. Ito'y hindi para sa asawa ng namatay mong kapatid -- ito ay share ng kanyang dalawang anak. Kasi, ang mga anak lamang ang may karapatan na magmana sa lugar ng kanilang namatay na ama.

Pinaka maigi ay komunsulta sa isang abogado at nang ang lahat ng inyong mga karapatan ay maprotektahan.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.