May pagasa pa ba mapalitan ang surname kahit patay na ang ama at magulang?

Annaliza Barribal

Paano naman po kung ang aking kapatid ay hindi naka apelyido din sa aking ama? Ngunit wala na po kami magulang. May pagasa pa po ba mabago ang surname nya?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, bakit hindi siya naka-pangalan sa inyong ama?

1. Kung ipinanganak siya matapos mamatay ang ama ninyo, pero, siya ay talagang anak ng tatay ninyo, dapat pangalan ng tatay ninyo ang dala niya.

2. Baka may iba siyang ama? Kung iba ang ama niya, hindi siya puedeng mag-mana sa inyong ama. Doon lamang siya puedeng mag-mana sa inyong ina, kasi, iyon lang ang tunay na parent niya. Wala silang blood relations noong tatay ninyo.

3. Ngayon, kung pagkakamali lamang, at ang inyong kapatid ay hindi nai-rehistro gamit ang pangalan ng tatay ninyo kahit na talaga namang anak siya ng tatay ninyo, puede naman niyang gamitin ang pangalan ng tatay ninyo.

Iyon nga lang, kung siya'y nai-rehistro na sa ibang pangalan, kung ito'y babaguhin sa talaan ng mga live birth, kailangan ng isang petisyon sa husgado. Kasi, ipu-prove ng kapatid ninyo na bagamat patay na ang tatay niya at noong buhay pa ito'y hindi siya naipa-rehistro gamit ang pangalan ng tatay niya, siya pa rin ay acknowledged child ng tatay ninyo at siya'y itinuring ng tatay ninyo na kanyang tunay na anak.

Iyon nga lang, kailangan ninyo ng proof (wari ay sa eskuwelahan, ang ginamit na apelyido ay ang sa tatay ninyo, sa baptismal certificate, sa tatay ninyo, kung may mga sulat na nagpapatunay na ina-acknowledge ng tatay ninyo ang kapatid ninyo bilang kanyang tunay na anak). Tapos, kailangan din mag-testify ang nanay ninyo, bakit hindi naipa-rehistro gamit ang pangalan ng tatay ninyo? Kailangan din ang kumadrona kasi, trabaho ng kumadrona iyon. Or, kung sa ospital, kung bakit hindi naipa-rehistro sa pangalan ng ama -- minsan kasi nagkakamali talaga, eh.

So, ang pinaka-maganda, pumunta at komunsulta sa isang abogado dala ang lahat ng inyong mga papeles at nang malaman ninyo ang inyong karapatan.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.