Gusto ko lang po sana humingi ng legal advice. About po sa Land Title or Pamana po. Hindi ko po alam ang exact term. Ikwento ko na lang po.
Yung tatay ko po, may dalawang kapatid, tatlo po sila (3). Isa po sa kanila babae. Patay na din po ang parents nila. Una po namatay ang lola ko. Sunod po ang lolo ko.
Since first po. Wala po Titulo ang lupa.
As in wala po talaga.
Bago po namatay ang lola ko. Usapin na po yung lupa. Pero hindi pa din po nagagawan ng titulo.
Then nung namatay po ang lola ko. After 2 years napagkasunduan po yung paghahati ng lupa. Na divide po sa tatlo. At nagawan na po ng title. Ayos at okay na po. Kami po ng parents ko ang gumastos. As in lahat lahat po.
3 Titles
Tatay ko.
Pamangkin ng lolo ko.
Kapatid na babae po ng tatay ko. (pangalan po ng lolo ko ang nakalagay sa nagawang titulo) / (may habol po ba kami dito if ever, kasi po nakapangalan po sa nagpamana eh)
May mga witnesses din po na nakapirma dun sa kasunduan po. Pero wala po dun yung kapatid na lalaki ng tatay ko. Kasi po ang sabi po nya. "Wala na daw po syang habol dun" kaya d na po sya pumirma.
Pero ngayon po.. Naghahabol po sya..
Nag send po ng "Demand Letter" ang municipal sa amin.
Then malakas po ang loob nya. Kasi po kasabwat po nya yung kapatid na babae ng tatay ko.
Dun po sa demand letter may kasama po na document copy ng last will or katibayan (pirmado po ng lolo ko) na yung lupa po ay pinamana lang po sa kapatid na babae ng tatay ko. (eh wala naman po titulo yung lupa na ipapamana, kami pa nga po ang nagpagawa)
Tama po ba yun? Dati po ndi sya nakikialam. Tapos ngayon po, gusto nya ipa Void yung Titulo po. Dahil wala po syang nakuha na share/parte.Bakit po nila kami pinagastos para po mapagawa ang title. Eh mayroon po pala clang hawak na ganun.
Ano po ba ang i-honor ng court?
Titulo po ba na kakagawa pa lang po or yung Last Will po?
Pwede din po ba namin balewalain yung demand letter. Kasi po tapos na e. May title na po. Nakapangalan na po sa tatay ko. Ginugulo pa po kami.
Salamat po.