It depends on who bought the land and when the land was bought. Iyon bang lupa kung saan nakatirik ang bahay, iyon ba ay binili ng tatay ninyo? O binili ito ng Nanay ninyo?
Kahit na mag-asawa sila, kung halimbawa ang nanay mo ay OFW at ang tatay mo naman ay may sakit, naturally, kahit na ang lupa ay nabili during their marriage, ang perang pinambili ay mula sa pinagpaguran ng babaeng OFW.
Pangalawa, kailang binili ang lupa? Binili ba ang lupa during the first marriage or during the second marriage?
Kasi, ang mga anak sa una ay tagapag-mana ng iyong ama. So, presuming na conjugal partnership ang regime sa kasal ng iyong mga magulang, hati ang nanay at tatay mo doon sa lupa.
Ang kalahati ng inyong ina, ang tagapag-mana ay kayo ng iyong kapatid lamang. Iyong kalahati na sa inyong ama, ang kalahating ito'y paghahati-hatian ninyong limang magkakapatid sa ama pati na ang iyong ina. Tagapag-mana din ng tatay ninyo ang inyong ina.
So, doon sa half portion ng inyong mother, tag 3/12 kayo ng kapatid mo. Doon sa half portion ng father mo, tig 1/12 kayong limang magkakapatid at iyong ina. So ang iyong kapatid ay may 4/12, ikaw ay may 4/12 din. Ang iyong ina ay may 1/12 (sa inyo pa lamang mag-iina, 9/12 na ang share sa lupa, 3/4 na iyon). Sa mga kapatid mo sa ama, tig 1/12 sila (all in all, 12/12 shares= 4+4+1+1+1+1).
Best to consult a lawyer. Kasi, wala naman akong nakitang dokumento. I can only tell you what the law says, I cannot tell you how the law applies in your particular case.