Magkano o anong porsyento ng sahod ng isang amang seaman ang dapat isustento sa kanyang anak?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Magkano po ba ang dapat na esustento ng ama sa 2 nyang anak ages 2 and 6 yrs old kung isa syang seaman or working abroad? Basic salary lang po ba pagbabasihan? Magkano specific amount po? Salamat

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang support na kailangang ilaan ng isang magulang para sa kaniyang anak ay base sa kakayanan ng magulang. Ang kakayanan ng magulang ay depende sa mga circumstances. kasi, may mga magulang na maliit lamang ang suweldo, ngunit, siya ay may mga minanang paupahang apartment. So, ang basehan sa support na kanyang dapat na ibigay ay dedepende sa kanyang income mula sa lahat ng mga sources.

Ngunit, kailangan di namang isa-alang-alang na ang magulang ay may mga pangangailangan din. Kailangan din ng magulang na kumain, kailangan na bayaran ang kanyang tinitirahan, kailangan din niya ng mga maayos na damit. Kailangan din ng magulang na mag-laan ng pera para sa mga medical emergency, para sa retirement niya at para magkaroon siya ng investment sa business kung sakaling hindi na siya puedeng mag-trabaho sa barko. Kailangan din namang mag-laan ang seaman ng pera para sa pambayad sa placement fee tuwi matatapos ang kanyang kontrata at sasakay na panibago sa barko sa ilalim ng bagong kontrata.

Kailangan din namang mag-pundar ang magulang para sa kanyang sariling kinabukasan, investment kumbaga, tulad ng bahay at lupa upang may matitirahan siya sa kanyang pagtanda. Kung ang seaman ay mangailangan ng panibagong training o certification para naman mas maging competitive siya at mas lumaki ang pagkakataon niyang humanap ng trabahong mas malaki ang sahod, puede niyang gawin at kailangan din niyang paglaanan ito ng pera.

Sa madali't sabi, kailangan ng isang magulang na magpadala ng suporta na akma sa antas ng pamumuhay niya at ang antas ng pamumuhay na nakasanayan na ng mga bata. Kailangan na ang support ay magamit sa basic needs for survival, health and wellbeing. So, bukod sa food, clothing, shelter and medical needs (pampabakuna, pang-check-up, etc.), kailangan din ng schooling needs. At kailangan din ng recreation needs.

Sa akin, isipin mo ay ilista ang mga karaniwang pinagkakagastusan ng bata: diaper, gatas, vitamins, damit (lumalaki ang bata, usually, kailangan ng bagong damit every six months), sapatos, tuition fee, uniform, books, bag. Babayad din siyempre sa kuryente para naman may ilaw sila sa paggawa ng homework. Tubig, panligo, etc.

Sumahin mo ang lahat ng mga gastusing pangkaraniwan. Since a child has two parents, dapat, hati ang magulang (fair and share) lalo na't kung parehong mga magulang ay nag-ta-trabaho. Pero, kung iisa lamang ang magulang na nagta-trabaho, wari, kung ang isang magulang ay nag-aalaga sa mga bata, o wari, kung ang isang magulang ay may disability o may sakit at hindi puedeng maghanap buhay, ang magulang na siyang primary na earner ang magsho-shoulder ng mas malaking hati.

Kasi, ang support ay dapat for a child's survival at ang amount ng support ay iyon lamang "in the best interest of the child". Hindi kailangan na sa private school paaralin ang bata. Hindi kailangan sa exclusive school. Hindi kailangan na Florsheim ang sapatos, at hindi kailangan na may gadgets ang bata. Survival lamang and it has to serve the best interest of the child.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.