Kelangan ko po pumuntang US ASAP dahil ang lolo ko pong maysakit na nasa US ay under hospice care at anytime soon ay pwede na syang mawala. Ang mga kamag-anak ko po doon ay ang lolo, lola at tita ko sa father side. 22 years na po kaming hindi nagkikita.
Dito po sa Pilipinas, andito po magulang at mga kapatid ko. Ako po panganay.
Ngayon, ang lolo ko po ay gustong gusto pong makita at makasama kaming pamilya nya na nasa Pilipinas. May copy po ako ng medcert ni Lolo (dated June 13, 2016) galing sa medical director ng hospice care ctr. Ang sabi po ay ang life expectancy po nya ay 90 days or less na lang.
Ang papa ko po (na may petition filed by his employer from US), kasama ang mama ko at 3 kong kapatid na
Ako naman po at ng kapatid ko na >21 na ang edad ay di na covered sa job petition ni Papa. So kami pong dalawa ay pinag-aapply ng visitor visa.
Ako po ay graduate ng Bachelor of Science in Nursing noong 2010. May PRC license po ako pero wala po akong work experience as a nurse. Ako po ay nagwork sa isang BPO (business process outsourcing) company at nagresign po ako noong May 2014.
Sa kasalukuyan po ay nagrereview po ako for NCLEX-RN na sana po ay ma-take ko ng July 30, 2016. Habang ako po ay nagrereview, tinuturuan po ako ni Papa na maghandle ng aming family properties. Meron po kaming coconut farm at rice farm. Sa akin po inassign ni Papa kase po magsesettle po sila kasama ng mama ko at mga kapatid ko sa US.
Ito po sana first trip ko sa US. Nagffill-up pa lang po ako ng DS 160 form. Ang nilagay ko pong intended date of arrival ay June 29, 2016 for 6 months stay. Ang lola ko po ang magbabayad ng byahe ko.
Pag nasa US na po ako, balak ko din pong magexam na lang doon at gusto ko rin po sanang magAAPC medical coding training para po ako ay maging certified professional coder (CPC). Kung di man po ako makapasa, magrereview na lang po ako ulit at magreretake habang nasa US ako.
Pagkabalik ko po ng Pilipinas at kung ako po ay makapasa sa NCLEX at sa pagiging CPC, magaapply po ako ulit sa isang BPO company. Kung di po makapasa, magrreview at magreretake na lang po ako. At the same time, magmamanage din po ako ng aming coconut farm at rice farm.
Ito po tanong ko: Anu-ano pong mga documents ang mkkapag-prove ng strong ties ko sa Pilipinas? At maliban po sa basic documents (like passport, photo, etc) at sa medcert ng lolo ko, ano pa po ang most probably na kelangan maicheck ng consul? Thanks po.