Magandang araw po ako po si yuji hirose 27 taon gulang, pilipino at kasalukuyang naninirahan sa japan para mag trabaho at mabuhay ko nang maayos ang aking pamilya, ngunit may iniisip po kasi akong problema sa kasalukuyan na sa tingin ko kapag hindi mabigyan nang agaran solusyon ay mas lalong lumaki pa. Kaya dumulog po ako sa inyo ngayon upang maka kuha ng advise mula sa inyo at mabigyan ng agarang aksyon para sa aking pino problema. Dito na po mag sisimula ang aking kuwento.
4 na taon na po ang nakakaraan mula nang dumating ako dito sa japan at ngayon taon (2016) palang po ako nakapag plano na umuwi nang pilipinas sa buwan ng august at kinakailangan ko po makabalik sa aking trabaho dito sa japan sa buwan ng september, ngunit ang pino problema ko po ay hindi ko namalayan na malapit nang ma expire ang aking phil. Passport sa buwan ng october 2016 dala po kasi nang sobrang abala sa trabaho at hindi ko naman po inilalabas sa pinagtataguan kaya ngayon ko lang napansin na malapit na pala itong ma expire. Nababahala po ako dahil may nabasa ako sa internet na hindi daw po makaka labas or makaka pasok nang bansang pilipinas kung ang passport ay malapit nang maexpire sa loob nang 6 na buwan kailangan ko na po umuwi nang pilipinas itong taon lalo na't nakapag plano na kami nang gf ko na magpa kasal kapag naka uwi ako nang august. Wala po akong maisip na paraan dahil ang proseso daw po nang pag renew nang passport dito sa japan ay aabot ng 6 to 8 weeks or higit pa. Kaya wala na po akong oras para ipa renew pa dito ang aking passport ganoon rn dw po ang tagal sa pag proseso sa pilipinas hindi naman po ako pwedeng lumagpas sa pinagka usapan namin nang aking amo dahil nangako po ako na makakabalik ako after 1 month of stay sa pilipinas. Ano po ba ang dapat kong gawin para ma solusyonan ang aking problema sana po magulungan nyo po ako at handa po ako makinig sa alinman ibibigay ninyong advise para sa akin maraming salamat po sa inyo.