anonymous
This person has chosen to hide his/her identity..

Breach of contract: Iba ang job description sa pinirmahan

Pwede po ba baguhin ng employer ung contrata? Sales agent po kasi ako. Sa pinirmihan ko po naka lagay po dun na meron kaming 3 araw na field work, 2 araw na home base and 1 araw na mag rereport sa office sa loob ng 1 week. Ang ngyayari po lage lang kami sa office nag tatawag lang. Nag coconduct din po kami ng meeting kahit sa restday namin at kung anong oras gustuhin ng boss. Legal po ba yun?

Ano Kapalaran ko sa 2018?

 

Swerte ba o Malas sa Negosyo sa 2017 at 2018?

 

Bagay ba kami ng Crush ko?

 

...Continue reading

Disclaimer: Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.

Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.

Masdan na laging isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang mga abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.

The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes only and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser. The opinions expressed at or through this site are the opinions of the individual author and may not reflect the opinions of the firm or any individual attorney.

If you are a legal expert who would like to help, please register here.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose is a Legal expert currently in the Philippines
Ganito kasi iyon. Mayroong management prerogative ang mga boss. Kahit na kayo ay may pinirmahan na kontrata kung saan naka-saad ang inyong mga schedule of work (3 days in the field, etc) puedeng baguhin ito ng boss ninyo if the need of the business demands it. Kasi, kung pasko, halimbawa, sobrang lakas ng demand, kaya malamang sa sa halip na 3 days lang sa field, mapipilitan kayong mag 7 days sa field. That is allowed.

Kasi, sa totoo, when you are employed, your boss determines the manner by which you will perform your job. Kung mas makabubuti para sa business ninyo na kayo'y maglagi sa office sa halip na mag-field work, then the employer can make you stay in the office.

Puwera na lamang kung halimbawa, kapag kayo'y nag-field work, mas mataas ang inyong kikitain. Kung hindi kayo pahintulutan na mag field work katulad ng inyong pinagka-sunduan, kailangan pa rin na ibigay sa inyo iyong suweldo na dapat ibayad sa inyo kung kayo'y nag-field work kahit na kayo'y namalagi sa inyong office lamang. kasi, hindi dapat mag-suffer ng diminution of salary or wages ang isang employee.

Iyong sa rest day, ang batas kasi ay nagre-require na mabigyan ng isang araw na pahinga ang mga employees every seven days of work. So, ibig sabihin nito, hindi puedeng i-demand ng empleyado kung kailan siya magde-day off (puwera na lang kung halimbawa ikaw ay Jewish at ang Sabbath ninyo ay forbidden kayo to work because of religious reasons -- your employer must give you the Sabbath day as your day off).

The best thing to do is to consult a lawyer. Dalhin mo iyong contract of employment na pinirmahan ninyo. Kung meron kayong rules and regulations o employee's handbook, dalhin mo din. I can only give you an answer that explains the general rules in the law. I cannot give you legal advice for your particular situation (hindi ko naman nakita ang pinirmahan ninyong dokumento).