May changes po ba sa operation schedule ng Qatar embassy sa Makati kapag Ramadan (e.g. shorter office hours or fewer employees sa embassy)? Nag-apply po ako via an agency and accepted naman ako ng employer. Clear po ako sa medical exam. Available na rin po ang visa based sa website ng Ministry of Interior (MOI) ng Qatar na lagi ko pong mino-monitor.
Ang pinagtatakahan ko lang po ay almost one month na ang "For printing" status ng visa ko sa MOI website. Nag-follow up po ako sa agency (last contact ko sa kanila ay last week, around June 15th). Sinabi nila na lumalakad naman daw ang documents ko at tatawagan ako kapag available na ang said visa. Dahil daw Ramadan kaya wala pang update.
Ayoko naman pong i-follow up personally ang visa ko sa Qatar embassy dahil hindi namn po yata tama na i-preempt ko ang agency. Trabaho naman po nila ang mag-process ng documents ko hanggang sa pag-deploy sa akin, pero yun nga lang, nasa kamay nila ang bilis o bagal ng proseso.
Naghahanap po ako ng official procedure for Qatar processing of visas sa POEA website pero mukhang hindi naman po available doon yun. Wala rin naman po akong makitang information regarding the Qatar embassy procedures and operation na makakatulong sa akin. Lahat ng na-research ko sa internet ay generalized and somewhat in vague terms para lang politically correct ang "info" na pino-provide ng websites.
Anyway, I am hoping that my visa is not stagnating for any unjustifiable reason. My fingers are crossed for the expedited release of visa.