Ano dapat gawin para marecover ang passport na hinahawakan ng agency? Paano ko maibalik sa akin?

Mytel Montero
is in the Philippines

Ano ang dapat kong gawin kasi nag withdraw ako ng passport ko sa agency ko pero ayaw nila ibigay sa akin. Kasi daw po may babayaran pa daw ako sa kanila na processing fee at balance ng training fee ko.


Lahat naman po pati medical ko, ako ang nagbabayad, wala silang binayaran para sa akin. Ang gusto ko lang po makuha ang passport ko para makapag apply ako sa ibang agency. Actually po attorney na completo ko na lahat OWWA, PDOS, medical at ako po nagbabayad lahat pero hindi nila ako pinaalis dahil sa may babayaran akong 41,100 pesos sa kanila pero wala po akung pambayad kaya hindi po ako nakaalis. So nag decide akong i withdraw nalang ang passport ko para maka apply ako sa ibang agency. Kasi po marami pa akong utang na dapat bayaran dahil sa pag apply ng agency na ito bound to Hong Kong. Please advice and help me attorney....maraming salamat po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Alam mo, sa totoo, may contract kayo dapat noong agency. Ngayon, kung ikaw ang nagbayad ng lahat ng gastusin sa paglalakad ng papeles mo, dapat ay wala kang utang sa agency. Paano ka nagkaroon ng utang? May pinirmahan ka ba sa kanila?

Kung sinasabi na ikaw ay binigyan nila ng training, dapat, ipakita nila iyon. Ngayong, sa pag-ho-hold ng passport mo, lalo kang hindi makaka-bayad. Bakit hindi mo kausapin at ikaw ay pumirma na lamang ng promissory note na babayaran mo na lamang ang cost noong training (kung legal at mayroon ka talagang tinanggap na training).

Ngayon, kung wala ka namang pinirmahan na kasunduan sa kanila, at wala ka namang natanggap na training, aba, ay ipaglaban mo na maibalik sa iyo ang passport mo dahil sa it is your property at ito'y kanilang hinahawakan ng walang dahilan at ikaw ay naiipit.

Ang pinaka-maganda ay komunsulta ka sa isang abogado, puede din naman na magpa-gawa ka ng demand letter sa Public Attorney's Office para ibalik nila sa iyo ang passport mo or, ikaw ay magdedemanda laban sa kanila. Kausapin mo ang PAO kung ano ang puede mong ikaso laban sa kanila.

Kung illegal ang kanilang sinisingil sa iyo na cost of training, puede mo silang idemanda. Pumunta sa abogado, humingi ng payo ay ipakita mo sa abogado ang lahat ng mga papeles na iyong pinirmahan sa agency.

Puede mong ireport ang agency sa POEA.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.