Gusto ko pong humingi ng advice. May driver po akong humihingi ng SSS contribution. Ayon po sakanya 20 years na daw po syang naging driver namin pero year 2005 po ang nakalagay sa biodata nya.
Ang sabi nya po noon meron na daw po syang SSS, so hiningi ko po yung SSS number nya dati para ako nalang magtuloy maghulog. Pero nung nalaman po ng kinakasama nya wala syang makukuhang benepisyo dahil hindi sya ang legal wife, hindi na nito binigay yung SSS number ni driver, kaya di ko po hinulugan.
Sept. 2, 2016 sinabi po nya na pumunta sya sa SSS para magreklamo. Kaya nung kinabukasan pong yon pumunta ako sa SSS. Pinacheck ko po kung SSS member sya which is wala pong lumabas na name nya sa computer nila. Ang sabi po nung empleyado ng SSS, kelangan daw pong bayaran yung contribution ng driver at dipende daw po kung anong year ang gustong ilagay ni driver sa form na fifill-upan nya plus penalty pa daw po. Ang tanong ko po KUNG NGAYONG YEAR 2016 PALANG SYA MAGPAPAMYEMBRO SA SSS, kelangan ko po bang bayaran yung past year contribution nya plus penalty? At pwede nya bang ilagay kung anong year nya gusto (as member)? May batas po ba ukol dito? Sana po may makuha akong advice mula sa inyo. Thank you in Advance