Direct hiring papuntang Japan, binigay passport at 25k, kung sino unang magbayad, mauna makaalis. Pero naloko ata

Roverich Valdueza
is in the Philippines

Sa mga Lawyer dito na nakakaalam po. Ako po si Roverich Valdueza, taga Davao. Nag apply ko ako papuntang Japan, direct hiring.

Ninais ko pong makaalis sana agad po, kaya po nag apply ako kasama mga kaibigan ko, direct hiring daw papuntang Japan. Kinuha po at binigay ko po yung passport ko, papeles ko po at nagbigay ako ng 25k na downpayment. Processing fee daw yun at pinabilis kami magbigay kasi daw kung sino mauna mag bigay, maunang makaalis. Kaya yun po binigay ko po.

Makalipas po ang mga ilang buwan, ngayun po ikaanim na buwan na ata, kung hindi po ako nagkakamali po. Ang dami po nilang reason bakit po matagal. Gusto ko pong pumunta sa agency na sinasabi nila pero hindi sila nag rereply po. Ang bayaran po palang naganap ay hindi sa agency kundi po sa isang simabahan ng adventist sa UN po banda, duon kanto remedious.

Ngayon po hindi ko na po sila maintindihan. Nag decide po akong kunin ulit pera at documents ko po, pero ang sabi sa akin pag dumating daw visa ko babayaran ko daw sabi nila. Pero sabi ko sa kanila bakit ako pipirma na magbabayad ako ng visa eh wala nga akong pinirmahan na contract para mag ka visa. Iyon po ang aking paliwanag pero hindi sila nakinig po. Madami po kami mga applicanti. Sana po matulungan po kami kung saan kami pwede pumunta..please po....huhuhuhuhu anu una naming gagawin po...

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Roverich Valdueza
is in the Philippines
tulungan ninyo po sana ako Madam Atty. BImbi.huhuuhu
Roverich Valdueza
is in the Philippines
tapos po pa iba iba agency dina dala nila po...saan po ako una pumunta po at magreklamo?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una po sa lahat, ang direct hiring ay hindi dumadaan sa agency. Ang direct hiring ay hindi na dumadaan pa sa POEA. Kalimitan, kayo mismo ang pupunta sa bansang iyon (bilang tourist) tapos, saka kayo maghahanap ng trabaho at saka mag-aaply ng working visa. O kaya naman, sa internet kayo mag-aaply tapos saka kayo kukuha ng working visa.

Dapat bago kayo magbigay ng inyong documents at ng pera, pumunta muna kayo sa POEA at alamin kung rehistrado at lisensiyado ba ang inyong agency na kausap.

Pumunta kayo sa Banawe Street sa Quezon City, at humingi kayo ng clearance noong agency doon upang malaman ninyo kung may mga kasong naka-sampa laban sa kanila sa NLRC. Dapat din, kung may time kayo, pumunta kayo sa Hall of Justice ng Manila o sa DOJ para malaman ninyo kung iyong inyong kausap sa agency ay may mga kasong illegal recruitment.

Kung kayo'y may pinirmahan na contract of employment o may in-issue sa inyo na resibo, ito ay mga prueba o katunayan na may nakuha sila sa inyong mga dokumento at pera. Ito rin ang maaaring basehan ninyo ng habla para sa illegal recruitment.

Bukod po sa advice, hindi ko kayo matutulungan kundi ang sabihin sa inyo na may complaint and action center sa POEA kung saan puede nila kayong bigyan ng advice.

Huwag kaagad magtitiwala, ingatan ang sarili. Kung ibibigay ninyo ang inyong mga mahahalagang documento, kailangan ay mag-issue sila sa inyo ng resibo at nakasaad doon na natanggap nila sa inyo ang mga documento. Makipag-selfie sa mga taong kausap ninyo sa agency at nang may maipapakita kayo sa mga pulis. Kuhanan ng litrato ang opisina at mag-tanong-tanong sa mga tao sa paligid.
Roverich Valdueza
is in the Philippines
Maraming Salamat po Atty. Bimbi. At nalinawan po ako.. sasabihin ko po sa aking mga kasama mas mabuti po sa POEA kami magpunta muna mag tanong duon at mag complain duon sa mga nag recruit sa amin. Salamat po ulit Maam. God bless you.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.