Hindi maayos na pagtrato sa trabaho.

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Para po ito sa kaibigan ko. Nagtrabaho po sya sa isang kompanya, nung una okay naman ang sitwasyon nya pero nung tumagal nalalaman na nya ugali ng boss nya, at hindi ito maganda. Naaawa kami sa kanya kase ang trabaho nya ay assistant ngunit ang sahod nya ay 300 pesos lamang, hindi angkop para sa isang assistant na posisyon. Ang oras ng pasok ay 8am-4pm ngunit umaabot sya ng 9pm at ang o.t nya ay hindi binabayaran, nakadepende daw po ito sa mood ng boss nya. Ang lunch break na dapat ay 12 ng tanghali nagiging 4 to 5pm dahil ayaw daw sya nito patayuin hanggat di nya natatapos ang gawain. Nung minsan naikwento nya din sa akin na naiwala daw ng boss nya ang listahan ng mga nasukatang indibidwal para maitahi na ang mga uniform, ang sinabi sa kanya ay "puntahan mo si kuyang nagtatahi at sabihin mong ikaw ang nakawala ng listahan", at kapag may sinabi ka sa kanya kabaliktaran ang naririnig nya. Mag-iisang buwan na pong mula ng nag-resign ang kaibigan ko ngunit ang 4000 pesos na pinagtrabahuhan nya bago sya umalis ay di pa din ibinibigay nung boss nya. Ilang beses na sya nagpabalik-balik doon ngunit sa halip ay babastusin pa sya ng dati nyang boss at ayaw ibigay ang kanyang pera. Ano po ang maaari nyang gawin para naman kahit papano ay maipaglaban man lang nya ang karapatan nya? Maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, dapat ay mag-file na kayo ng kaso sa NLRC. Libre ang forms doon. Ang kanilang mga opisina (sa Maynila) ay nasa Banawe Street malapit sa kanto ng Quezon Avenue.

Ang nangyari kasi dito ay underpayment of wages (dahil sa wala sa minimum wage). Tapos, ang working conditions niya ay labag sa labor code -- sa oras ng trabaho, sa lunch break, etc.

Puede din siyang mag-file ng kaso para sa non-payment of wages dahil sa hindi nabayaran ang kanyang sahod.

Kumuha kayo ng abogado -- ang mga abogado sa PAO ay puedeng humarap din sa NLRC. kasi, sa totoo, kung ang iyong kinuwento ay accurate, parang puedeng pumasok ito sa constructive dismissal. Mayroong constructive dismissal kung ang isang empleyado ay napilitang mag-resign dahil sa pangit na conditions sa trabaho katulad ng mapang-api na employer.

So, it is best kung humingi kayo ng payo sa PAO. Dalhin ninyo ang lahat ng payslip ng inyong kaibigan. Good luck sa inyo!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thank you so much po atty. Isa pa po pala, wala daw po silang pinirmahan na kontrata nung na-hire sya. Posible din po ba itong maidagdag sa isasampang reklamo sa boss nya?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.