Inireklamo ko ang aking kumpanya sa Saudi Labor Court sa kadahilanan sa mga paglabag nito sa mga kasunduan sa aking kontrata.
Umabot na po nang 6months hindi pa po tapus ang kaso, kada hearing ay kada isang buwan. Nabigyan na po ako nang Demand form para ilista ang mga demands ko, so need to wait for another month para i counter o sagutin ang statement ko at ang mga demands ko.
Bakit po ang tagal ang pagsasaayos nang kaso sa mga reklamo sa Saudi Labor Court? 6 months na nahinto sa trabaho at wala pong sahod, ano pong mangyayari if tatagal pa po ang kaso ko? Sana me ganitong isyu ang ilan sa atin para makapagbigay liwanag. Salamat po.