Legal way po para makuha ang aking anak.

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Goodpm po.. KAmi po ng aking asawa ay anndito po ngayon sa saudi pero nagtatarabaho sa magkaibang kumpanya.. kami po ndi din ay magkaiba lugar pero pwede naman po magkita.. May isa po kaming anak na nasa pangangalaga po ng ate nya,, wala na po syang mga magulang at ako naman po ay mayroon pa.. Nagpasya po ang aking asawa na makipaghiwalay sa akin at dalawang buwan na po kami nagkikita.. Ayaw na din po nya makipag ayos kahit na palagi ko po sya kinakausap,, nakablock na po ako sa lahat ng account nya,, sa fb, wechat, tango at whats up at regular calls and messages.. Tanging communication na lang po namin ay email.. Ask ko po if worst comes to worst,, pano ko po makukuha ang aking anak sa legal na paraan kung nandito po ko sa saudi? may mga magulang pa po ko na nasa pinas.. kanino po ko pwede lumapit? thank you po at God bless.. sana po ay makakuha po ko ng kasagutan,..

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jo Cipriano
is a nurse in Hong Kong
correction lang po,,, 2 buwan na po kami ndi nagkikita.. thank you po
Recommend Report abuse
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ano ang ibig sabihin mo na kuhanin ang iyong anak?

Ibig mo bang sabihin na gusto mong kuhanin ang bata mula sa pangangalaga ng ate niya?

O ang ibig sabihin mo ba'y ang gusto mo'y kunahin ang bata para diyan sa Saudi tumira?

Una sa lahat, ang pangalan ba ng bata ay kanino isinunod? Sa iyo ba o sa pangalan ng boyfriend mo?

Ilang taon ba ang bata? Kasi, ang mga batang edad 7 pababa ay dapat na nasa custody ng ina unless ang ina ay unfit. Ikaw ay wala sa bansang ito. Kung ang bata ay sa magulang mo ipapa-alaga, baka matanda na sila't hindi na kayang mag-alaga ng bata.

Ang tinitignan kasi ng husgado ay ang "best interest of the child". So, dahil sa ikaw ay wala, sa pangangalaga nino mapapangalagaan ang best interest ng iyong anak?

Sinusuportahan ba ng boyfriend mo ang bata? O tanging ikaw lang ang nagsusuporta sa bata? Kasi, kung ikaw lang ang nagsusuporta sa bata, eh, di, mas mabuting sa mga kamag-anak mo na lamang ibigay ang pangangalaga sa bata.

May peligro ba na pagmalupitan ng ate ng boyfriend mo ang bata? O mahusay ba siyang mag-alaga? Sino ang kilala ng bata na "nanay" (kasi, alam mo, ang nag-aalaga sa bata ang kalimitang tinatanaw ng bata na magulang nila kahit na alam nilang mayroon silang magulang abroad -- ito ay isang realidad ng pagiging OFW).

Ang pinagka-mabuti'y komunsulta ang mga magulang o kapatid mo dito sa Pilipinas sa isang abogado para malaman nila kung ano ang kanilang gagawin.
Recommend Report abuse
Jo Cipriano
is a nurse in Hong Kong
Salamat po sa pag sagot Atty.. ang ibig ko pong sabihin ay kukunin ang aking anak sa ate nya at ipapaalaga ko po sa magulang ko,, magkaedad naman po ang ate ng asawa ko at ang mama ko, kaya naman po mag alaga ng mga magulang ko. Kasal po kami ng asawa ko kaya nakasunod po sa knya ang pangalan ng anak namin. 2 taon na po anak ko ngayon. Pero maayos naman po naalagaan ng ate nya ang anak namin at kada buwan po ay sinasahuran din po namin sya. Maraming salamat po..
Recommend Report abuse

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.