Ano po dapat gawin ko: Nag withdraw po kasi ako sa application ko, wala pa po ako contract at hindi pa ako nag-training DH po. 2015 po ako nag apply, bumalik ako sa agency para kunin ang passport ko last Wednesday po, kasi may pambayad na ako ng medical na sinabi ng manager dapat ko bayaran yon. Pumunta ako para kunin, wala ang manager sa i ng mga staff. Bumalik na lang ako kasi hindi nila alam kong may penalty ako. Itanong ko daw sa manager nila, tawagan ko daw saka na ako daw balik pag sinabi ng manager ano dapat ko bayaran.
Tinatawagan ko manager hindi makontak nakapatay ang phone nya. Nag viber na ako at nagtext "seen" lang nakikita ko, hindi nya ako sinasagot po. 2019 pa po mag expire passport ko. Nagtataka din po ako non sinabi ng staff seven thousand daw ang medical na babayaran ko. Ang sabi ng manager dati five thousand kasi 2500x2 yon phase 1 at phase 2. Ano po gagawin ko para makakuha passport ko? Mukhang iipitin nila ako sa babayaran ko wala nga ako pera tagal ko pinag iponan yon pambayad ko ng medical. Salamat po sa tulong. More power and Good less.