Hello, Jennifer. Una sa lahat, I hope that when you read this reply, ikaw ay nasa mabuting kalagayan.
1. Hindi mo nasabi sa akin kung ikaw ay nagta-trabaho bilang direct hire or bilang isang OFW na rehistrado sa OWWA at POEA. May epekto ito sa mga options mo na maaari mong gawin. Kapag nag-reklamo ka sa labor ng Dubai at ikaw ay natalo, malamang sa matanggal ka sa trabaho. O kaya, lalo kang pag-initan. Baka mapilitan kang bumalik sa 'Pinas. Kung direct hire ka, wala kang ibang magagawa kundi doon sa labor ng Dubai magreklamo. Kung ikaw naman ay umalis sa ilalim ng isang POEA approved job contract, at ikaw ay may agency dito, pag-uwi mo, maaari mong ihabla ang agency dito at sila ang mananagot sa mga pagkukulang ng iyong employer sa Dubai.
2. Hindi mo naman sinabi sa post mo kung ano ang 'grabe' na ginagawa sa iyo. Hindi ko tuloy malaman kung ikaw ay sinasaktan, ibaapi, minamaltrato o hindi ka tinuturing nang patas. Hindi ko tuloy masabi kung ang iyong dinadanas sa kasalukuyan ay puedeng masabing isang violation ng iyong contract of employment o di kaya, violation ng mga batas ng labor ng Dubai.
3. Kung ikaw ay maghahabla, sikapin mong ikaw ay may matibay na ebidensiya at hindi sali-salita lamang. Kung mag pictures ka, kung mag mga digital recordings ka or CCTV footages o kaya memorandum, mas maigi lagi ang may ebidensiya ka.
4. Hindi rin ibig-sabihin na malupit ang manager ninyo ay ito ay violation na ng inyong employer sa inyong karapatan bilang mga manggagawa. malamang sa hindi alam noong mga officers na naka-taas pa sa inyong manager (kung meron) ang ginagawang 'grabe' sa inyo. Mas maigi siguro kung kayo ay mag-umpisa munang maghain ng inyong mga hinaing sa isang opisyal ng kumpanya na mas mataas sa inyong manager bago kayo pumunta sa labor ng Dubai.
5. Hindi kasi purkit malupit ang manager, alam na ito at ito ay kinukunsinti na ng employer. Baka kung sa employer kayo mismo mag-reklamo, magagawan ng paraan ng employer na imbistigahan ang usapin sa pagitan ninyo at ng inyong manager.
6. Mas mabuti siguro ang humingi kayo ng assistance mula sa office ng Labor Attache sa Dubai. kahit advice lang, at least, mayroon kayong isang valuable na resource diyan.
Sana'y mas marami-rami pang detalye kang nilagan at nang medyo mas maintindihan ko ang iyong kalagayan at mas detalyado din ang maibigay kong advice.
Good luck to you, sana ay maayos na ang gusot na ito sa pagitan mo at nang inyong manager. God bless you and keep you safe. Ingat lagi!