Hindi mo nilinaw sa akin kung ikaw ba ay employed locally dito sa Pinas, o ikaw ay nasa ibang bansa. Mahalaga ito. kasi, kung ikaw ay nasa ibang bansa, ang batas na nakakasakop sa iyo ay ang contract of employment mo. Doon sa contract of employment mo nakasaad kung magkano ang dapat mong sahurin. So, kung ano lang ang nasa kontrata, iyon lang ang dapat mong tanggapin. In fact, kung alam mo naman kung magkano ang dapat mong tanggapin, at nakita mo naman sa payslip mo na mas malaki ang natanggap mo, pero wala ka lang imik, ginastos mo ang pera kahit na alam mo namang wala kang karapatan doon sa sobra, well, dishonesty iyon. Kasi, you took advantage of the mistake or inadvertence of your employer.
Sa ilalim kasi ng batas, ang bawat tao ay inaatasan na "to do justice to all men" -- you should have alerted your boss that you received more than you should have received. Parang sa tindahan din iyon. Alam mo naman kung magkano ang binili mo, alam mo kung magkano ang ibinagay mong bayad, so alam mo kung sobra ang sukli. Ang dapat ay, isinauli mo ang sobrang sukli. That is honesty. That is what the law requires. kaya, please, hindi puede mong sabihin na "good faith" mong ginastos ang pera, thinking na ito ay "bonus" -- kung may contract of employment ka, alam mo kung ano ang dapat mong sahurin. At kung ito ay bonus, naka-indicate iyon na bonus.
Kung sa bagay, maski na dito sa Pilipinas, alam mo naman kung magkano ang dapat mong sahurin, so, kung sobra ang ipinasahod sa iyo, alam mo naman na sooner or later, sisingilin din ito sa iyo.
Ang suma tutal nito, you have to pay it back. You cannot avoid having to pay it back. Ang puede mong gawin ay hingin na installment na lamang ang pagbabawas nito sa iyong suweldo. Hindi mo kasi kayang ibalik ng buo. Pero, huwag mong ikaturiwan na hindi mo na babayaran o ibabalik dahil sa nagastos mo na in "good faith" at ikaw ay napinsala sa aksidente. Hindi tama ang katuwirang ganoon.