Pirma sa memorandum

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Valid po bang ebidensya yung pirma sa memorandum? May kakilala po kasi akong tinanggal sa trabaho dahil sa pagpapalsipika ng resibo. Binigyan po siya ng Memorandum na kapag hindi siya gumawa ng explination sa loob ng 24 oras ay katunayang inaamin niya ang nasabing paratang. Pumirma naman po siya sa Memorandum na yun. Matibay na ebidensya po ba yun para mabasura yung finile niya sa labor?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Medyo hindi ko maintindihan ang post mo. Let's see.

May isang empleyado, inakusahan siya ng employer niya na nag-palsipika ng pirma niya sa isang resibo. Naglabas ngayon ng Memorandum ang employer niya na binibigyan siya ng panahon para i-explain kung bakit hindi siya dapat tanggalin sa trabaho.

Nag-file siya ng explanation. Tinanggal pa rin ba siya? Kasi sabi mo, nasa Labor na ang kaso? So, ang tanong mo, kung nagsumite siya ng explanation, iyon bang explanation ay sapat nang dahilan para ang kaso na kanyang inihain para sa illegal dismissal ay ma-dismiss?

Kung ito ang iyong tanong, ito ang aking sagot: Depende.

Depende sa nilalaman ng explanation na isinumite noong empleyado. Kasi, kung sa explanation niya, sinasabi niyang tunay ngang pinalsipika niya ang isang resibo, at ito ay labag sa mga rules ng employer, eh, di, dapat lamang siyang tanggalin sa trabaho noong employer.

Ngunit, kung siya'y hindi naman umamin na nag-palsipika ng resibo pero siya pa rin ay tinanggal kahit walang sapat na just cause, at kung walang pag-sunod sa procedural due process, eh, malamang sa dapat niyang i-apila ang desisyon na nag-dismiss sa kanyang illegal dismissal na kaso.

Wala bang abogado ang empleyado? Dapat, kung wala siyang abogado, lumapit sila sa PAO. Ang PAO ay nagbibigay ng free legal assistance sa mga kaso sa NLRC. Ito ang dapat ninyong gawin -- humingi ng tulong sa PAO para ma-evaluate ang inyong kaso at nang malaman ninyo kung makatarungan ba ang pag-dismiss ng inyong illegal dismissal case.

Iyong nga pala, you only have ten (10) calendar days to appeal a decision of the Labor Arbiter of the NLRC.
Liza Gutierrez
is a Office Staff in the Philippines
Hi Atty.,

Hindi po siya gumawa ng explanation letter. Ang nakasaad po kasi doon sa memorandum na binigay ng employer, pag hindi po siya nakapag-pasa ng explanation sa loob ng 24 hours ay inaamin niya ang paratang sa kanya. So, sa hindi niya po paggawa ng explanation ay parang inamin na rin po niya na totoo po yung paratang sa kanya since pumirma po siya sa memorandum na binigay sa kanya.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sa ilalim ng Labor Code, at sa mga kaso na dinesisyunan ng Supreme Court, ang notice sa isang empleyado na nag-uutos sa kanyang mag-explain kung bakit hindi siya dapat na tanggalin sa trabaho, ay may palugit dapat na 72 hours. Hindi 24 hours. So, sa totoo, mali at defective ang notice sa kanya.

Maaari niyang kuwestiyunin iyon. Ngayon, wala akong masabi tungkol sa kung mananalo siya o kung may laban man lamang siya. Wala akong nakitang mga dokumento kaya't umaasa lamang ako sa mga pahayag mo.

Ang pinaka-maigi ay komunsulta sa isang abogado na malawak ang karanasan sa labor at employment laws. Good luck sa inyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.