I don't really understand your question. Gusto mong mag-abroad. Pero you don't want to end your public service? What public service? Politico ka ba? Elected official ka ba? Sundalo ka ba? Ikaw ba ay isang government employee?
Kung ikaw ay isang elected public official (kasi ginamit mo yung phrase na 'public service')at ikaw ay mag-AWOL, kawawa naman ang mga humirang sa iyo at bumoto sa iyo. Sino ang kanilang representante?
Kung ikaw ay isang government employee, puede ka namang mag-AWOL. Ang mangyayari lamang doon ay uubusin ang lahat ng iyong leave credits. Tapos, pag naubos na, ikaw ay ise-separate from the service. Kapag lagi kang absent, siyempre, wala ka nang sasahurin.
Dahil sa hindi ka naman nag-bigay ng detalye, mas maigi siguro kung ikaw ay makipag-usap sa inyong head of agency at nang malaman mo ang mga mangyayari kung ikaw ay maga-AWOL. Ang pinaka matinding problema lamang sa pag-a-AWOL ay kung ang mga loans mo ay salary deduction, at wala ka nang sasahurin, saan kukuhanin ang dapat na i-salary deduction? So, ang mangyayari doon ay iko-konsidera ka nang default sa mga payments mo, so, para hindi ka mai-demanda for collection, kailangang asawa mo o sinopamang kamag-anak mo ang mag-bayad direkta sa mga pinagkaka-utangan mo.
Sana'y naglagay ka ng mga detalye at nang maintindihan ko ang kalagayan mo. Dahil sa wala kang mga detalyeng inilagay, hindi kita masagot ng mahusay. Good luck sa iyo at sana'y tama ang desisyon mong gawin. Hindi lahat ng nag-aabroad ay nagtatagumpay. May ilang umuuwi ng luhaan. So, hindi lamang malaking sahod o salary ang dapat mong i-consider.