Regarding sa lot amortization in a 5-year contract terms na kung saan nakapaghulog na ako ng kabuuang 25 months at almost 2 years na puro palya sa hulog kaya patung-patong na surcharges at interest ang ipinataw.
ang tanong ko po anu po nakasaad sa batas hinggil sa Maceda law?
Sa Maceda Law, kung sakaling i-cancel ko ang contract at subject for 50% refund, may right po ba ang developer na isama ang mga surcharges at interest sa mga babayaran ko bale ang magiging resulta ay wala na ako makukuhang refund.
Sa Maceda Law under section 6, ang pagpapaliwanag po ba dito ay kung sakaling bayaran ko yung unpaid balances in full payments within grace period, yung mga surchrges at interest po ba ay hindi na dapat pa isama o need ko ring bayaran?
Anung mga hakbang ang dapat kong isagawa habang ako'y nasa ibang bansa?
Sana po matulungan nyo po ako sa aking problema, di bale po sanang maliit na halaga lang pero malaking halaga ang nakataya dito at nakakapanghinayang kung ito'y mauuwi sa wala ang pinaghirapan ko.