Karisma Miranda is currently in the Philippines

Ano process at requirements sa pag file ng annulment? Magkano babayaran?

Ano ang mga rules para sa annulment at magkano ang babayaran para sa annulment ng kasal?

Since you're here... May we ask for a small favor?

Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

 

But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

 

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

 

 

Disclaimer

Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.

Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.

Masdan na laging isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang mga abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.

The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes only and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser. The opinions expressed at or through this site are the opinions of the individual author and may not reflect the opinions of the firm or any individual attorney.

If you are a legal expert who would like to help, please register here.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Reynaldo De chvez is currently in Morocco
atty.bimbi

ang asawa ko po ay nagkaroon ng anak sa ibang lalaki 5o 6 na taon na ang bata tapos sa akin po ikinabit ang apelyido nung bata nagun po nagpagawa na ako ng gegal seperation sa brgy hall kc po 10 days lng bakasyon ko sa pinas paano po ako makakapag pakasal ulit salamat po

reynldo
Adelaimar C Arias-Jose is a Legal expert currently in the Philippines
Hindi puedeng ipangalan sa iyo ang bata kung hindi mo anak iyon at ikaw ay hindi pumirma sa likod noong birth certificate. Isa pa, puede mong kasuhan ang iyong asawa kung pineke niya ang iyong signature doon. Kung ang bata ay hindi mo anak, pero ipinipilit niyang i-pangalan ito sa iyo, at kumilos siya upang ipa-rehistro ang bata gamit ang pangalan mo, aba, falsification of a public document iyon. At saka, iyong civil status noong bata ay kanyang binago at finolsify -- illegitimate ang bata pero pinalabas niyang legitimate ang bata. Ang bata na tagapag-mana ng kanyang tunay na ama, pinipilit niyang gawing tagapag-mana mo dahil nga sa pinalabas niyang anak mo ang batang hindi mo naman talaga anak.

Pangalawa, walang karapatan ang barangay na duminig ng mga complaint for legal separation. Husgado lamang ang may karapatan na duminig ng mga asuntong ganito. Pangatlo, kahit na magpa-legal separation ka, kasal ka pa din doon sa asawa mo. A grant of legal separation does not sever the marriage bond--kasal pa rin kayo sa ilalim ng batas. Ang maaari mo lamang gawin ay ang hindi tumira sa iisang bahay kasama ang iyong asawa. At puede din na wala nang pakialamanan sa mga ari-arian kapag kayo'y legally separated na. Pero, kasal pa rin kayo sa isa't isa at hindi kayo puedeng magpakasal sa iba.

What you want is to have your marriage annulled or have it voided. kailangan dumaan ito sa husgado. Hindi puede sa barangay.
Adelaimar C Arias-Jose is a Legal expert currently in the Philippines
To answer your question, Carisma: walang set rules kung magkano ang magagastos para sa isang annulment case. Ang mga babayaran sa husgado ay uniform all over the Philippines. Ang mga babayaran sa husgado ay iyong tinatawag na docket fee.

Pero iyong babayaran sa husgado ay iisa lamang sa mga gastusin. Kailangan mo ding bayaran ang acceptance fee ng isang abogado at ang appearance fee niya. Ang singil ng abogado para sa annulment ay dedepende sa hirap ng kaso at kung iyong abogado ay expert. Gagastos ka din para magpa-certified true copy ng mga documents ninyo (marriage certificate, birth certificate ng mga anak, titulo ng lupa kung meron, etc.).

Kung ikaw ay binugbog ng asawa mo, kailangan mong ipresenta ang mga medical certificate at ang mga doctor na gumamot sa iyo. Kailangan mo ding magpa-tingin at komunsulta sa isang psychologist o psychiatrist. Babayaran mo ang professional fee niya at kailangan bayaran mo din ang kanyang appearance sa husgado.

Kung pinahuli mo sa pulis ang asawa mo, kailangan din na humarap ang pulis, so gagastusan mo lahat noon. Gagastos ka tuwi may hearing dahil pupunta ka, haharap ka sa husgado at hindi ka makaka-pag-trabaho.

My advice? Shop around. Ask around. Pumunta ka sa husgado sa inyo, hanapin mo iyong family court at ikaw ay mag-observe ng mga annulment na kaso. Panoorin mo ang mga abogado, humingi ka ng calling card nila. Magtanong ka sa kanila kung magkano ang singil nila. O kaya, ask your relatives for referrals. Mas maigi na may referral kasi, mahirap magtiwala sa basta kanino.