Ano po ba ang pwedeng gawin kasi po may problema kami sa lupa yung tita ko po ka

Chad Marquez
is a non-Filipino member from Saudi Arabia

Ano po ba ang pwedeng gawin kasi po may problema kami sa lupa yung tita ko po kaso nakabili ng lupa na may kasama ng bahay tapus yung nagpasukat yung kapit bahay namin lumalabas po na yung kalahati ng bahay na tinitirhan ng mga magulang ko ay parte pa ng lupa nila tapus po sabi napatitulo na daw po nila yun tapus nagpapader na sila bali po hinihintay na lang po nila kaming magpasukat ngayon po tanong ko lang kung after po ba naming magpasukat at lumabas na mali yung sukat nila pwede po ba namin ipademolished yung pader na ipinatayo nila kinausap narin po namin yung kapitbahay kung pwede bang bilhin na lang yung part ng lupa na nakakasakop sa bahay namin para hindi naman po maabala pa kaya lang po ayaw nila tapus po yung lote na lang po kasi namin ang may space pa yung both sides po may mga kabahayan ng nakatayo ano po ba ang pwede naming gawin.

[/p]

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat -- wala bang titulo ang mga lupang ito? Kasi, kung may titulo ang lupa, iyong sukat at lugar noong lupa ay doon nakasaad sa titulo. Siguro, may Original Transfer Certificate of Title, pero malaki ang lupa tapos, hinati-hati sa ilang mga lote na mas maliliit ang sukat.

Usually kasi, may kasulatan sa bentahan ng lupa. Doon sa bentahan ng lupa, doon nakasaad ang laki, ang sukat at hangganan ng lupa. Kailangan ninyong magpa-sukat din ng inyong lote. kailangan din ninyong malaman kung tunay nga at ang inyong bahay ay nakatayo sa lote na iba ang nagmamay-ari.

Tanong ko lang, sino ang naunang nakapag-pa-tayo ng bahay? Iyong binilhan ninyo? o iyong kapitbahay na nagpa-sukat?

Kung tunay nga na ang inyong bahay ay nakatayo sa parte na kabilang pa sa pagmamay-ari ng inyong kapit bahay, hindi ninyo po sila mapipilit na ibenta na lamang sa inyo ang kanilang lupa kung ayaw nila.

Dapat ay komunsulta kayo sa abogado at nang ang mga karapatan ninyo ay maproteksiyunan. Baka kasi wala ding basehan ang sukat na ipina-gawa ng kapitbahay ninyo. So, baka dapat ay hintaying ninyo silang kumilos. Kasi, kung idedemanda nila kayo, hindi din magtatagumpay ang demanda kung wala silang basehan upang sabihin na kanila pa ang lupang kinatatayuan ng inyong bahay.

I cannot give you a definite advice (una, hindi ko nakita ang mga dokumento ninyo, pangalawa, side mo lang ang aking narinig). Besides, bawal sa mga abogado ang magbigay ng legal advice. Ang pinaka maganda ay dumulog kayo sa abogado.
Chad Marquez
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Maraming salamat Atty. Bimbi sa pagtugon. Bali po kasi yung lupa na nabili ng Tita ko is mana pa po ng kapatid ng lola ka sa mga magulang nila. Bali po ang hawak lang na papel ng Dad ko is yung Deed of Sale lang. Bago pa man kami lumipat may bay na po kasing talaga doon saka po may existing na bakod made of buho para po malaman yung hangganan ng lupa napapaisip lang po ako kasi nung nagpasukat sila nakadalawang surveying sila hanggang na move ng na moved yung muhon papunta sa amin.Sinabi rin po nila na may titulo na yung lupa na nila so inask ng Dad ko kung pwede makita wala naman po silang maipakita sa amin. Tapus medyo dinidiscourage nila yung Dad ko na if ipapasilip po yung mother title magastos daw po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Pumunta kayo sa Register of Deeds. Puede naman kayong magpa-verify doon. Hindi naman mahal ang magpa-verify (it iyong sinasabi ninyong ipapasilip). Kasi, basta magpapa-titulo ang isang may-ari ng lupa, ang lahat ng mga naka-paligid na nagmamay-ari din ng lupa ay binibigyan ng notice ng husgado. Nagpapaskil sa lupa mismo ng kapirasong kahoy kung saan naka-paskil ang notice of hearing at ang petition noong nagpapa-titulo.

Pinaka-mahusay niyan ang komunsulta kayo sa abogado at tanungin ninyo kung puede kayong tulungan na ma-verify nga kung may titulo na, at kung meron, kung ano ang gagawin kung ito ay nag-infringe na sa inyong lupa.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.