Gusto ko na ipa-annul ang kasal ko sa ex-husband ko na preso

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

OFW po ako. Gusto ko na pong ipa annul ang kasal ko. Ano po ba ang unang step ko na dapat gawin kung sakaling uuwi po ako ng Pilipinas? Meron lang po akong 2 linggong bakasyon mula dito sa Singapore.

Ikinasal po ako sa edad na 16. Meron naman po akong marriage contract sa NSO, at 16 na taon na din po akong di nakikipag komyunikasyon sa ex husband ko dahil nakulong din po sya ng 15 taon. Iresponsable po syang asawa. Napalaki ko na din pong mag isa mga anak kong apat.

At ngayon po nakalaya na sya may pagkakataon na din po akong ipa annul kasal ko dahil gusto ko nadin pong makuha ang kalayaan ko. Ang kasal ko po dinaya lang ang edad ginawang 18. Wala din po akong mga magulang na dumalo. Tita at tito ko lang po ang tumayo saking nanay at tatay. Patay nadin po tito ko na tumayo sakin ng ikasal.

Anong kaso po ba ang aking isasampa sa korte at san po ba ako dapat pumunta o magsampa ng kaso? Gaano po ba katagal ang pagpapawalang bisa ng kasal at sa estimate nyo po magkano po ba ang dapat kong bayaran? May paraan po ba para di na ako maghintay ng matagal meron po kasi akong nabasa na 4 na buwan private attorney po. At sa lokal naman po ay 1 taon? Paki advise po kasi kau na unahang pagkakataon kopo gagawin ito ang mag file ng kaso.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, kung ikaw ay ipinakasal ng iyong mga magulang o tumatayong magulang noong ikaw ay 16 lang, sa ilalim ng Civil Code okay lang iyon. Pero, kung sa ilalim ng Family Code, hindi okay iyon. Kasi, sa ilalim ng Family Code, only those who are aged 18 and above ang puedeng ikasal. So, invalid ang marriage na iyon.

Hindi mo kasi sinabi kung anong taon ka ikinasal.

So, kung dinaya ang age mo sa iyong marriage certificate, basta handa kang patunayan na ito nga'y dinaya, puede mong sabihin na ang marriage mo ay labag sa iyong kagustuhan, dahil sa ikaw ay pinilit o tinakot lamang.

Ngunit, kung ito ang gagamitin mong dahilan ng pag-papa-annul ng iyong marriage, ang tanong ng husgado sa iyo, eh, kung talagan tinakot ka, at pinilit ka, bakit noong namatay na ang mga taong tumakot at pumilit sa iyo, at noong naka-kulong na ang asawa mo, bakit hindi ka kaagad nag-file ng kaso para ipawalang-bisa ang kasal ninyo? Iyan ang dapat mong sagutin.

kasi, dahil sa tagal ng panahon na hindi mo pina-annul ang marriage na sabi mo'y pinilit lamang sa iyo, tinatanaw ng batas na pumayag ka na rin sa kalaunan.

So, ang dapat ay may iba kang ground. Ang ground lang na puede mong gamitin ay ang psychological incapacity. Ang problema ay, kailangan na ma-prove mo na may personality disorder ang iyong asawa sukat na hindi niya alam ang kanyang ginagawa noong kayo'y nagpakasal at hindi niya nagampanan ang mga obligasyon niya sa iyo bilang asawa dahil nga sa hindi niya batid ang mga obligasyong pinasok niya dahil sa siya'y may personality disorder (ang personality disorder ay iyong, anti-social disorder, or non-specified)

Hindi din puedeng litisin ang annulment sa loob ng dalawang linggo. mahabang proseso ito. kailangan kang mag-testify. kailangang humarap ka sa piskal at sa husgado upang mag-salaysay.

Kumausap ka ng abogado at nang malaman mo ang mga kailangan mong gawin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Wala po kasi akong sapat na kaalaman pa kung paano po ako magsisimula .
at nasa abroad npo ako ng mamatay ang aking mga testigo iisa na lang po natitira drug addict po kc at babaero sugarol at nanakit sya .pero tapos napo un iisa nalang po ang gusto kong mangyari mawalang bisa po kasal ko dahil diko na din po kakayanin pang pakisamahan ex husband ko ayoko na pong bumalik sa dati .wala din po akong kukunan ng gagastusin sa annulment ko dati.
Mga magkano po bang aking uubusin aabot po ba ng 4 na buwan o isang taon ang kaso kopong ito bago matapos ? Salamat po sa reply atty.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ikinasal po ako nuong december 25,1988
Ako poy pinanganak nuong october 30,1972
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang Family Code ay umiral noong 1989. so ang batas laban sa mga underaged marriages ay effective lang noong 1989. Dahil sa kinasal ka noong 1988, kahit na 16 ka lang, ang iyong marriage ay pasok pa rin sa legal na marriage dahil sa kahit na 16 ay puedeng magpakasal sa ilalim ng lumang Civil Code.

Ang kaso mo ay papasok doon sa voidable marriage -- kasi, ikaw ay pinilit na ipakasal, tinakot na magpa-kasal. Pero, dahil nga sa nagsama kayo ng matagal, mahihirapan kang ipakita na pinilit ka.

Ngayon, puede din naman na maging dahilan mo na kaya ka natagalan na mag-petition na i-void ang marriage mo, dahil nga sa takot ka, dahil sa binubugbog ka -- pero, kailangan nito'y may ebidensiya ka noong pambubugbog -- may mga litrato ka ba? May mga x-ray, etc. na magpapatunay na ikaw ay nagtamo ng mga pinsala sa katawan dahil sa pananakit sa iyo.

Ang husgado kasi, hindi puedeng walang ebidensiya. Laging dapat na may ebidensiya.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.