Pwede bang ipa-blotter, ipa-barangay o kasuhan ang guarantor ng umutang sakin ng 7 thousand?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May umutang sa akin na 7,000 pero hindi binigay ng naggarantor yung pera kahit nagbayad na pala yung umutang. Hinahanap ko sa guarantor yung pera nadukutan daw siya kaya hindi daw naibigay sa kin yung pera.


Pero hindi po ako naniniwala sa alibi niya dahil napag alaman ko na yung garantor ko eh marami palang utang sa ibang tao. Napag alaman ko din na sa tuwing may maniningil sa kanya umaalis sya ng bahay or nagtatago. Sa ngayon puro pangako lang siya na magbabayad pero hindi naman nagbabayad. Ano po ba pwede kong gawin para maobliga siyang maibalik sa kin ung pera? Saka pwede ko po ba siya ipa blotter sa barangay or kasuhan dahil parang tinangay niya yung 7,000 na binayad ng umutang sa kin? Sana po matulungan niyo ako salamat po!


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ganito kasi iyon. Kapag "guarantor" kasi, ibig sabihin nito sa ilalim ng batas, siya iyong sasagot at magbabayad kung ang mismong nangutang ay hindi makaka-bayad. Ang utang na may guarantor ay kailangang may kasulatan. Ang nangyari sa iyo ay iba, ang nangutang ay nagbayad, pero, ang bayad ay ipinaki-abot sa guarantor. Ang guarantor ngayon ang hindi nag-balik ng bayad sa iyo.

Ang kailangan mong idemanda ay iyong nangutang sa iyo. Iyon ngayong nangutang sa iyo ang bahalang mag-depensa sa sarili niya sa kanyang pagsasabi na nagbayad na siya sa guarantor.

Sa totoo, hindi naman siya nagkaka-utang doon sa guarantor, siya ay may utang sa iyo, so , dapat sa iyo niya ibinigay ang kanyang bayad. So, ikaw ay magdedemanda sa nangutang, ang nangutang ang magdedemanda sa guarantor para ang guarantor ang magbabayad sa iyo.

Hindi mo puedend direktang ireklamo ang guarantor kasi, siya't mananagot lamang kung hindi makabayad ang mag-utang. Since nag-bayad naman ang may-utang, pero hindi sa iyo ibinigay ang bayad, dapat mong kasuhan ang nagka-utang sa iyo. Kung wala siyang kasulatan na patunay na ibinigay niya ang bayad sa guarantor, siya pa rin ang magbabayad noong inutang niya. Bahala na siyang maghabol doon sa guarantor na pinagbigyan niya ng bayad.

You need a lawyer.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
attorney ano po ba pwedeng i kaso dun sa garantor?? balak ko po kasi n kausapin yung nangutang sa kin na idemanda nya yung garantor pra maobligang ibalik yung pera!at kung sakali po n hindi makipag tulungan sa kin yung nangutang ano po pwede kong ikaso sa knya? may kasulatan naman kami nung nangutang siya..ngsilbing witness yung garantor... gusto ko po talaga iblotter sa barangay or idemanda yung garantor pero hindi ko nman alam kung anong ikakaso ko sa kanya since wala nman po batas n pwedeng makulong ang umutang na ayaw mgbayad....ano po bang pwede ninyong ipayo sa kin na dapat kong gawin?? hahayaan ko na lang po sana pero napag alaman ko na marami po inutangan yung garantor pero hindi siya nagbabayad!

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.