Nawalan po kasi ng trabaho sa abroad ang asawa ko. Nung pinauwi na po sila, may naiwang utang (Bank Cash Loan) po sya sa ibang bansa. Until now, wala pa rin po syang trabaho. May tumatawag po sa amin dito na law office at hinaharas kami to pay. Kaso po, wala pa rin po syang trabaho para makabayad.
Question 1 po: Ano pong mga legal actions ang pwedeng gawin sa kanya?
Question 2 po: Hindi po namin gustong takbuhan ang utang namin. Pero po, dahil wala pa rin po syang mahanap na trabaho, ano po ang pwede naming gawin para po hindi na kami guluhin nun law office dito sa Manila?