May binili po ang tatay ko na lupa nuong taong 2004. Sa kasamaang palad, nawala po yung deed of sale tapos hindi daw po makita nung attorney na nagnotaryo ung kopya sa kanila. Ngayun po 2017 hinahabol po nung asawa na babae kasi po patay na po yung asawa nya na lalaki na nagbenta sa amin. Bale po 1,799 square meters na lupa nila.
Tatlo po kaming nakabili at yung dalawa pong nakabili e hawak nila deed of sale nila at yung samin lang po ang nawala. Tapos po sa buwis hati2 kaming tatlo sa bayad sa buwis. Ano pong magandang gawin? Matagal na po kami ang gumagawa nito. Nung mamatay lang po ung asawa nung babae tsaka lang po hinahabol..help po