May utang po yung pinsan ko sa isang lending. 10 thousand po yung pinahiram pero ang nakuha niya lang is 8,300. Tapos po may bigas pa pong kasama nagkakahalagang 2,300 isang kaban po or 50 kilos. Tapos ang total ng lahat ng babayaran nya is 16k plus po kasama na po ung saving na 1,560 at 880 na pang process daw po.
Ang problema po kasi hindi nakakahulog araw2x ung pinsan ko. Due date na rin po sya po pero ang naghuhulog na po nya is 13,560.. Ang hindi na lang po nya nahuhulugan ung 880 ung 1560 saving naman un hindi na sana nya huhulugan dahil ibabalik naman daw. Ang tanong ko po tama po ba na magpenalty sila ng magpenalty ang sabi po kasi 3500 pa ang balance dahil may penalty na daw po. Hirap na po kasi magbayad ang pinsan ko midget po sya nabankrupt po ung tindahan nya.. Sana po matulungan nyo kami. salamat