Pwede bang ilipat ang apelyido ng anak ko sa akin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede bang ilipat sa name ko ang apelido ng anak ko? Kasi pinanganak sya nuong 1993 pa, now nasa 23 years old na sya. Gusto ko po sya sana kunin dito sa Spain. Ano po ba dapat gawin at magkano po magagastos ko? Kasi meron silang napagtanungan kanina na bawat isang letra ng kanyang panglan babayaran daw po ng 2k kada letra. Meron pa po bang ibang paraan na pwede mas madali? Salamat po attorney.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Siguro, ikaw ay tatay. Kayo noong ina ng anak mo ay hindi kasal noong siya'y ipina-nganak? Ganoon ba? Kaya't ang bata ay hindi naka-pangalan sa iyo? Ang bata ba ay naka-pangalan sa ina niya? O siya'y nakapangalan na sa naging asawa ng iyong naanakan?

Kasi po, may mga taong ganoon, ang mga anak nila'y ipina-pangalan nila doon sa napang-asawa nila, na para bang iyong napang-asawa nila ang nag-anak doon sa anak nila kahit na sa iba nila naging anak iyon, dahil na rin sa tanggap na noong napang-asawa nila iyong mga anak nila na para bank kanila iyong bata.

Kung ang bata ay naka-pangalan sa kanilang ina lamang, you can always execute an affidavit of acknowledgment of paternity (katunayan na ang bata ay anak mo nga), at tinatanggap mong anak mo siya. Ito ngayon ang gagamitin ng bata upang ang kanyang birth certificate ay mapalitan.

Since this is not a typographical or clerical error but it includes a substantial right, ito po ay dadaan pa rin sa husgado. Doon po'y kailangan kayong humarap at patunayan na ang bata ay inyong anak nga. at gusto ninyong ipangalan sa inyo ang bata.

Sa totoo po, sa Europa, dahil sa liberated ang mga babae at uso sa kanila na mag-anak at mag-sama ang mga tao kahit na hindi kasal, madalas na ang mga anak ay hindi dala ang apelyido ng kanilang ama. but it does not mean na hindi nila tunay na anak ang bata.

I-check po ninyo baka puede nang maka-rating sa Spain ang inyong anak kahit na hindi siya naka-pangalan sa inyo. Kasi po, matagal po sa husgado natin umusad ang mga kaso. Kasi po, sa Spain, sila po ay pumapayag ng mga paternity test -- mga DNA test na patunay na ang bata ay talagang anak sa dugo ng isang tao.

You may want to check that out. At any rate, you will need to speak to a lawyer in the Philippines. And maybe, consult with an immigration lawyer in Spain as well.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.