Nagaagawan sa lupa, kami nagpatayo ng 4 storey building

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nagkakagulo po kasi ngayon yung sa side ng asawa ko, nag-aagawan po kasi sila dito sa bahay. Nakapangalan po ung titulo sa biyenan kong lalaki. Ngayon po 4 story building na to pinagawa ng husband ko. Nung binata pa po kasi sya, napagawa nya to hanggang 2nd floor lang. Gusto nya lang mapaganda ung bahay nila. Nung nag-asawa na po sya, palagi sa kanya sinasabi ng parents nya sa kanya to mapupunta kaya ipaayos na para may matirahan kami.


So pumasok po sa isip nyang pataasan. Ngayun po nung magpo 4th floor na eto na po ung isa nyang kapatid, kambal nya na adik at sakit ng ulo. Naghahabol na po, last year po nung nagkagulo ginawa po nila nagpagawa ng deed of sale sa City Hall pinangalan na po sa husband ko tong bahay, sya po kasi nagpagawa saka nagbabayad ng amilyar nito taun taon. Di pa nga lang po namin maasikaso ipalipat ung pangalan ng titulo. Ngayon po nagkakagulo na naman, naghahabol na naman po kasi ung pasaway na kapatid ng asawa ko. Plan na din po namin ipalipat na sa pangalan ng asawa ko ung titulo pero ayaw po ibigay ng biyenan ko. Nag-aalala po kami baka pagkatapos po lahat ng ginastos namin mapaalis pa kami. Patulong naman po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi po kayo mapapa-alis kasi po, sa totoo, ang lahat ng kapatid ng inyong asawa ay may karapatan mag-mana sa lupa. Ngayon, kung ang asawa ninyo ang nagpatayo ng gusali, ang gusali ay sa husband ninyo, ang lupa ay sa magulang nila.

So, ang pinaka mahusay ay ipalipat na po ninyo ang titulo sa pangalan ninyong mag-asawa. Siguraduhin po ninyo na ang bentahan o Deed of Sale sa pagitan ng inyong mga magulang at asawa ay tapat ang halaga para hindi ma-question.

Kasi po, ang sale na mababa lang bentahan, it is generally thought of and viewed as a mortis causa transaction. Ibig sabihin po, sa halip na ipamana gamit ang isang huling habilin (last will and testament) para maiwasan ang pagbabayad ng inheritance tax, ginagawang sale. So, dapat, tapat ang halaga, na para ba talagang sale iyon na lehitimo.

It is best to find a lawyer. Doon po sa lupa, kung ito po talaga ay pamana, ito po ay paghahatian ng mga magkakapatid. So, baka dapat ay bigyan na lamang ninyo ng share niya sa lupa ang inyong kapatid.

Puede din naman na mag-settlement of estate na kayo. Sa katunayan, babayaran na ninyo ang share ng mga kapatid, para maliwanag na sa inyo na ang lupa. Lalo na kung mas malaki na ang halaga noong building sa lupa (kasi, may 4 storey building na kamo).

Best talk to a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.