Karapatan ng isang tenant ng lupain

M Soriano
is in United Kingdom

Kame po ay anak ng tenant ng lupa na sinasaka ng aking ama na namayapa na ng higit 2 dekada na. Ang original na landlord po namen ay wala na rin kaya ang naninigil sa amen ng buwis ay ang pamangkin nya. Kame po ay nagbabayad ng buwis ng tama. Nitong nakaraang araw po pinatawag kame ng landlord namen sa MARO at sinasabing kukunin nila ang aming sinasaka dahil yung isang kapatid daw po nila ay retired na at gusto magsaka. Pero kalaunan po sinabi nila ang totoo na gagawin nilang subdivision ang lupa. Gusto po nila kameng ilipat sa ibang lugar na pwede namen sakahan pero yung lupang pinapalit nila ay di maganda ang lugar at mahirap ang patubig. Tanong ko po ano po ba ang karapatan namen bilang tenant? Pwede po ba kameng tumanggi sa offer nila? At ano po ba dapat namen gawin kasi sinabihan kameng kung di kame papayag idedemanda daw po kame. Sana po matulungan nyo po kame sa ameng mga katanungan.


Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayo!


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, ang tenant ay isang taong naninirahan at nagsasaka sa lupa ng iba. Ang tawag dito ay agricultural tenancy. Para din itong pangungupahan. Sa ilalim ng rental laws sa Pilipinas, kung kailangan na ng may-ari ang lupain, wala na kayong magagawa. Kahit na kayo pa'y maayos na nagbabayad ng buwis (para itong renta sa paggamit ng lupa), kung kailangan na ng may-ari ang lupa, hindi ninyo puedeng ipilit na manatili kayo bilang tenant.
Kung ipagbibili ng may-ari ang lupa, hindi ninyo siya mapipigilan. Ang inyong paglagi sa lupa bilang tenant ay dahil lamang sa pinayagan kayo. Kung kayo'y hindi na payagan, wala kayong magagawa.
Ang tanong ko ay, hindi ba ito subject sa land reform? kasi, kung ang lupa ay subject sa land reform, baka may mga karapatan pa kayo. Unfortunately, ako ay walang experience sa land reform or land tenancy. Hindi pa ako nakakahawak ng kasong ganito. Ang pinaka mahusay ay kayo ay dumulog sa isang abogado na ang specialization ay land tenancy at land reform. It is best to consult a lawyer para alam ninyo ang inyong mga karapatan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po isa po akong magsasaka ng 2 at kalahating ektaryang lupa simula po sa tatay ko hnggang ngaun 50 years ko n po sinasaka ung lupa at nagbubuwis po ako tuwing anihan s may ari ng lupa ngaun po ung sinasaka kong lupa may iba n po ng aararo kasi dw po cla yung bagong nakabili ng lupa. Itatanong ko lang po kung may karapatan po ako sa lupa at hindi man lng po ako sinabihan ng may ari na ibinenta nya na ito... salamat po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.