Naku, sa ilalim po ng batas, ang isang contract ay isang "meeting of the minds" o pagtatagpo at pagkakasundo ng isip ng dalawa o higit pang mga tao. Ngayon, iyong kasulatan na pinirmahan ng mga nagkasundo ay siyang best evidence noong kanilang kasunduan.
Kung ang kasunduan ay patungkol sa salapi o di kaya'y sa mga ari-arian, ang mga kasunduang ganito, kung hindi nailagay sa isang kasunduang pirmado ng mga partido ay tinatawag na "unenforceable" o hindi maipapatupad.
Katulad po niyan, kayo ay nagpa-utang ng salapi sa inyong kaibigan, dahil sa kayo'y walang kasulatan, hindi ninyo mapipilit na isauli o bayaran niya ang utang.
Kung halimbawa may email o sulat siya sa iyo na nagsasabing, "salamat, pare, sa ipinahiram mong P20,000 noong na-ospital ang anak ko. hayaan mo't babayaran ko ito sa iyo sa loob ng tatlong buwang" kahit na wala kayong kasulatan, dahil sa may ebidensiya kayo na inaamin niyang may utang siya sa iyo at nangakong babayaran niya, maaari ninyong singilin. Ka-dali kasi namang sabihin noong inyong kaibigan na hindi siya nangutang sa inyo bagkus nagmagandang loob kayo dahil sa awa ninyo sa kanya at hindi naman niya inakalang ito pala ay pina-utang ninyo.
Sa uli-ulit, huwag magpapa-utang ng walang kasulatan. kasi po, kung iyong mga kontratang notaryado, nababali pa, lalo naman kung sa tubig lamang nakasulat ang utang.