Tanong po tungkol sa right of way. Meron pong lupa na 525 square meter ang lola ng asawa ko na hinati sa tatlo bale ang harapan ng lupa. At binayaran na naming mag asawa. At ang right of way para sa 2 lupang na nasa likod ay kasama sa sukat ng binayaran namin. At binabayaran ng tax yearly. Ang right of way ay nasa gilid ng kahabaan ng bahay namin. Gusto ko po sanang palagyan ng gate sa harapan ang right of way para sa aming seguridad dahil ang right of way naman po at para lang sa aming 3 na magkakamag anak at ang kabouan po ng lupa at naka bakod na. Maliban lang sa harapan ng right of way, ang 2 may ari ng bahay sa likuran ay binigyan namin ng susi upang ano mang oras ay makaposk din sila, ngunit madami akong naririnig na hinde sila pabor. Ano po ba ang karapatan ko bilang may ari ng lupa na nag bigay ng right of way?
Salamat,
Mary