Hello, I like this question. To quote my Dad, dapat mag-aral ng batas ang mga tao at nang hindi sila maloko ninuman. So, I encourage you na mag-law ka. Yun nga lang, according to the Supreme Court, isang requirement para maka-pasok ka sa law school ay dapat na graduate ka ng isang four-year college course -- kailangan ikaw ay may Bachelor's Degree. Kahit na anong four-year course ay puede basta't mayroon kang 12 units of English, 6 units of Pilipino, 12 units of Philippine History or Economics. So, kung tapos ka ng isang four year course, lahat ng ito ay makukuha mo bilang bahagi ng General Education.
Yung two years mo, iyan ay diploma course. Maaring vocational o technical. Ang gawin mo, mag-apply ka sa isang college o university, at itanong mo kung alin-alin sa mga subjects mo ang puedeng i-credit para hindi mo na kukunin pa ulit ang mga ito. Ang kukuhanin mo na lamang ay iyong mga kulang para maka-kumpleto ka ng requirements para sa isang four year college course. siguro, mga two years o one-year and a half na lamang ay makaka-kuha ka na ng bachelor's degree.
Tapos, pag-nag-apply ka sa isang college of law, sila man ay gagawa ng assessment kung ikaw ay puede na nilang tanggapin. Kung may deficiency ka, maaaring pa-enroll-in ka nila basta't mangangako kang kukuha ka noong subjects na may deficiency ka bago ka matapos ng iyong second year sa law school.
Kasi, sa totoo, titignang pa rin ng Office of the Bar Confidant ang iyong academic credentials bago ka payagang kumuha ng Bar exam. So, masususi ang pagsusuri kung sapat ang mga nakuhang mga units.
Good luck sa iyo. At, to quote my Dad again, kahit na hindi ka kumuha ng bar, ang kaalaman sa batas ay asset. Kahit na hindi ka mag-practice, iba na ang may titulo at may kaalaman -- ikaw ay pangingilagan ng mga taong masasama at ikaw ay igagalang. So, sana'y naging encouragement ito sa iyo.
Mahirap ang law school -- nakakasira ng social life at love life. May mga taong nasisiraan ng bait dahil sa pressure o nagkakasakit dahil sa tindi ng demands ng law school. Mahirap talaga sapagkat kakaiba ang pag-aaral ng law. Good luck sa iyo!