Regarding po sa Lupa ng Tatay namin na ini Land Bank po ng mga kapatid ng Tatay ko noong 1984 pa po pala. Na kung saan patay na ang Tatay ko noong 1979. Wala po alam ang nanay ko at kami din kasi po mga bata pa po kami.
Nanay ko pangalan lang po ang alam isulat. At ni piso po wala din po naibigay na pera sa nanay ko at maging sa amin. 22 hectares po ung lupain ng tatay ko. At noong 2010 lang po kami nakauwi doon ng mamatay yung eldest na kapatid ng tatay ko.
Kasi nung buhay pa po sya dipo kami piñapupunta doon at tinitreaten po ang buhay namin. Kahapun po pumunta Sa Brgy namin kahapun ung taga municipyo pati mga engineer po na galing Manila na nagawork po sa DAR at doon namin nalaman na naka land bank po ang lupain ng Tatay namin na hindi alam ng nanay ko maging kami at sinabi ng taga DAR na wala na daw ang Lupa ng tatay ko kay sa government na po daw. Naguguluhan po talaga kami kung anu ang dapat namin gawin. Pa help po atty kung anu gawin namin. Salamat po.