Magandang araw po sa mga butihing mga abogado natin na walang sawang sumasagot sa mga problemang legal ng ating mga kababayan. Mabuhay po kayo.
Meron lamang po akong katanungan tungkol po ito sa lupa namin sa Boracay. Kasi po may naka pangalan sa lola ko at tatay ko na lupa at binabayaran ng mga tiyahin ko ang buwis taon taon. Medyo matagal na rin po nilang binabayaran ang lupa,at ang tatay ko at lola ko ay pumanaw na. At nitong mga year 2002 po ay nabalitaan ko nalang po sa nanay ko na nalipat na sa pangalan ng kapitan ng barangay yung lupa na nakapangalan sa lola ko at tatay ko.
Bale po magbabayad sana ng buwis ang mga tiyahin ko pagdating po ruon sa binabayaran ng buwis sabi sa kanila ay hindi na raw po sa kanila ang lupa at nalipat na sa pangalan ng kapitan. Naitago po ng mga tiyahin ko ang mga resibo at nasa nanay ko, ang tanong ko lang po pwede pa bang mahabol yung lupa kung sakali na mag file po kami ng kaso? Sa ngayun po kasi alam ko na mahirap ang mga kaso pagdating sa lupa, pero kung sakali po ba maihahabol pa po ito para maikaso? Ang mga kapatid ng tatay ko ay wala po silang kakayahan para ihabol kasi nga po naka pwesto pa nuon ang kapitan, wala ring pang gastos para mag habla ng kaso laban sa kapitan. Sa ngayun daw po binakuran na ng kapitan at pinalagyan na ng bantay subalit wala pang ginagawang construction sa lugar...Salamat po kung sakali na masagot.