Nais ko po sana humingi ng payo tungkol sa kinakaharap na problema ng aking ina. Ang magulang ko po ay caretaker ng isang lupa for almost 50 years na. Sa lupaing na din pong iyon kami ipinanganak at lumaki ng aking mga kapatid.
Simula po ng maging caretaker ang mga magulang nagsimula na po magsaka ang aking mga magulang hanggang sa ngayon. Kami po nagbibigay ng 5% tuwing anihan ng palay mais o kahit ng anuman pong itanim at anihin ng magulang ko. Ngayon po ay gusto na paalisin ang nanay ko sa lupang iyon. May karapatan po ba ang nanay ko na humingi ng kahit na ano sa may ari ng lupa? Aalamat po and god bless.