Limang taon hiwalay at inabandona, OFW sa Hong Kong, asawa may kinakasama iba

Elly Andres
is in Hong Kong

Paano mag-file ng annulment sa asawa ko? Hiwalay na kaming limang taon at inabanduna. OFW po ako at mula 2011 dito po HK pagkatalikod ko lang may iba na kinakasama na asawa ko po at sila parin hanggang ngayon. Ano dapat kong gawin?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang annulment ay hindi laging sagot sa problemang mag-asawa. Bakit?

1. Ang annulment sa Pilipinas ay mahigpit. Kailangang mapatunayan na mayroong personality disorder ang iyong asawa sukat na hindi niya batid na noong nagpakasal kayo, hindi siya puedeng magmahal o maki-sama sa iba pang babae.

2. Mahirap at matagal ang proseso ng annulment. Kailangang andito ka sa Pilipinas kasi, haharap ka sa husgado, ikaw ay magbibigay ng iyong salaysay kung ano ang nangyari sa inyong pagsasama.

3. Magastos ang annulment, kasi, babayad ka ng abogado, babayad ka ng psychologist o psychiatrist para sumuri sa iyo, at sa asawa mo upang makita kung ano ang problema sa pag-iisip ng asawa mo at hindi niya ma-batid na kung sino ang kanyang pinakasalan, iyong lamang ang kanyang asawa at hindi siya puedeng magkaroon ng iba pang kakasamahin na parang asawa din.

4. Matagal ang proseso. Una, magpa-file ka ng petition. Sunod, haharap kayo sa fiscal at susuriiin ng fiscal kung nagsasabwatan kayo para mapa-annul ang inyong kasal. Tapos, maglilitis kayo, maghahain ng ebidensiya, magtatawag ng mga testigo, mag-papakita ng mga dokumento.

5. Mahigpit ang mga hukuman, masusi nilang sinusuri ang mga salaysay para makita kung dapat nga bang i-annul ang kasal. Hindi basta-basta ito.

6. Magastos ang annulment. bayad sa abogado, pamasahe papunta sa husgado, bayad ng docket fee, bayad ng service ng summons, bayad sa bawat harap ng abogado, bayad sa psychiatrist, bayad sa mga certified true copy ng mga dokumento, bayad sa mailing, bayad sa mga transcript, bayad sa mga xerox, etc.

Hindi biro ang mag-pa-annul. Ang problema, dapat ang mga Pilipino, iboto sa pagka-Presidente at pag-ka Senador at Congressman, iyong mga taong maghahain ng batas para sa diborsiyo -- walang kandidatong hayagang sasabihin na sila'y pabor sa diborsiyo (magagalit sa kanila ang simbahang Katoliko) kaya, hanggang ngayon, tayo'y wala pa ring diborsiyo.
Oedipus Calachan
is in Saudi Arabia
Meron po kaming ancestral land na nakapangalan pa sa lolo namin ang titulo ng lupa. Kinamkam ang kapirasong sukat ng lupa ng pinsan ng tatay, nagkakaso, panalo ang tatay ko sa korte 41 years ago. Patay na po tatay ko at pinsan niya, kami nalang mga anak at kaniya kaniyang nanay ang nabubuhay.Kasalukuyan ang lupa ay merong nakatirik na bahay at mga pananim ang ng pinasn ng tatay ko.Sa batas po ba may karapatan kami para paalisin sila? Kailangan pa bang dalhin sa korte ang ganitong bagay? Ano po dapat namin gawin para makuha namin ang lupang dapat ay pag aari namin?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Medyo mahirap itong tanong mo.

Una, sabi mo, ancestral land -- ano ang ibig sabihin mo nito? Ang katagang "ancestral land" kasi ay ginagamit para sa mga lupain ng mga katutubong Pilipino para sa mga lupain na ang mga native tribes ang nagmamay-ari. Baka ang ibig mong sabihin ay lupa ng angkan ninyo?

Kasi, kung ancestral land siya dahil sa kayo ay mga Indigenous Peoples (halimbawa, Ibanag, Ifugao, Manobo, Tiruray, Mangyan, etc.) Ang nakakasakop sa inyong kaso ay ang National Commission for Indigenous Peoples.

Kung ang ibig sabihin mo lang ay ang lupang ito ay sa angkan ninyo na naipangalan sa iyong ama, puedeng paalisin ng registered owner ang kahit na sinong tao ang pumasok sa lupa nila na walang pahintulot o di kaya'y ang unang pahintulot ay nabawi na. Ejectment ang kasong dapat ninyong dalhin at dapat ay maghabla kayo muna sa barangay.

Of course, ito ang nakasaad sa batas, pero hindi ko alam ang lahat ng facts ng inyong kaso. Mas mabuti kung kayo'y dudulog at magkokonsulta sa isang abogado.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.