Actually, ang iyong tanong ay illegal. Hindi puedeng gawing laro o game ang marriage. The fact that you are even thinking of marrying a person but thinking of making sure that the marriage can be voided is proof na ikaw ay hindi dapat na magpakasal, because you are neither ready nor willing to be married.
There is no such thing as a marriage na kunwari lang -- pag may magsabi sa iyo na puede itong gawin, hay naku, this is illegal. Kung ayaw mong patali ng permanente, huwag ka na lamang magpakasal.
Baka mamaya, kumilos ka, ang mangyari sa iyo, lalo ka lang mabaon at matali. Tapos, baka mamaya, maka-gawa ka pa ng falisification of documents. Simulated marriage. Lahat ng ito ay illegal. May karampatang kaparusahan.
Marriage is only for those who are willing. If you are not willing to marry and you feel pressured to marry, aba, hindi tama iyon. And if you feel that you have to marry this guy para lamang ma-satisfy ang mga demands niya, that is a red flag.
Don't get married kung napipilitan ka lamang o nahihiya ka sa boyfriend mo. Kung magpapakasal ka, siguraduhin mo ang kalooban mo, dahil talagang ang marriage sa Pilipinas ay till death. Walang divorce dito.