Lagpas bilang ng taon pinagsanlaan ng lupa, pinagisa ang titulo ng lupa

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May katanungan lang po tungkol sa pagsanla ng lupa na sa isang papel lang nakasulat. Ang 2 tiyahin ng aking tatay ay nagsanla sa amin ng lupa noong 1984. 1,000 sqm mahigit. Ang usapan hanggang 10 years. Nakapagpatayo na po kami ng bahay.

Lagpas 15 years na po ang nakakakaraan, kami ay pinapaalis na. Nag file ng kaso ang aking magulang ngunit walang nangyari. Ang huling resulta, pwede nila kaming paalisin kung babayaran nila lahat ng ginastos naming pagpatayo ng bahay. Matanda na mga magulang ko. Ayoko pong dumating sa punto na pag silay nawala at akusahan lang kaming squatter. Gusto ko pong maging legal lahat bago maiwan ng magulang ko sa amin ang bahay.

Willing nman po kaming bilhin ang lupang kinatirikan ng bahay namin ngunit may umaapila ng anak ng namatay na lola ko dahil pinag isa na daw nya ang titulo ng lupa. Nakakapagtaka lang ganun ba kabilis ang paglilipat ng titulo na ang mismong may ari eh patay na? Sana po ay mabgyan mo po ako ng payo. Maraming salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
I cannot really help you because I have not seen any of the documents. I can tell you however that, ang pagsasanla ng lupa ay dapat in writing, notarized at dapat ay inyong ipina-annotate ang sanlaan doon sa likod ng titulo ng lupa.

Ngayon, kung isinanla sa iyo ang lupa, at ang pinagsanlaan ay dapat bayaran sa loob ng 10 taon, kung ito'y nabayaran na, tapos na ang sanglaan. Wala na kayong karapatan sa lupa. Kung ito naman ay hindi na binayaran pa, then, ang inyong karapatan ay ang makuha ang halaga ng sanla (iyong pina-utang ng mga magulang mo). Kung wala silang ibabayad, saka ninyo puedeng i-foreclose ang mortgage at saka niniyo makukuha ng legal ang property. Ilegal kasi na basta kuhanin ninyo ang lupa na pambayad sa inutang lalo na kung ang inutang na halaga ay hindi katumbas ng halaga ng lupa. Baka kasi ang inutang ay P100,000 lamang pero ang halaga ng lupa ay P400,000. So, dapat, bayaran pa ninyo ng P300,000 pa ang mga may-ari ng lupa upang mabili ninyo ang lupa sa kanila.

Kasi, ginamit mo ang salitang "sanla" -- sa isang "sanla", nangungutang ang isang tao at para makaseguro ang pinagkaka-utangan na siya'y mababayaran, usually, ipini-prenda ang titulo ng lupa. Pero, parang walang titulo nung una ang lupa. At isa pa, tumira na ang mga magulang mo doon sa lupa. Hindi na sanla ito.

Magulo ang kuwento mo -- parang walang titulong nai-prenda sa inyo. AT sa totoo, sa isang sanla, unless may kasulatan kayo na kung hindi matutubos ang sanla, maaari nang bilhin ng pinag-sanlaan ang lupa, hindi ninyo puedeng basta bilhin ang lupa o ituring na kabayaran sa inutang ang lupa at tuluyan nang angkinin ito. kailangan ay may maliwanag kayong kasunduan na kung hindi mabayaran ang pagkaka-sanla, ang lupa na ang magiging panagot at ang pinag-sanlaan ay may karapatang mag-foreclose noong property na paneguro sa pagkaka-utang. Pag nag-foreclose kasi kayo, bibigyan ninyo ng palugit at pagkakataon ang may utang para tubusin ito. kailangan sa public place, i-auction ang lupa at ang pinag-ka-utangan ang bibili noong lupa.

Gayon pa man, matapos ma-foreclose ang lupa, ang may-ari ng lupa ay binibigyan ng batas ng 1 year redemption period para mabili ulit ang lupa mula sa pinag-sanlaan.

Kaya nga, medyo magulo eka ko ang kuwento mo, kasi, tumira ang tatay mo sa lupa. Mugkang hindi talaga sanla ang nangyari. Mukhang may iba pang pagkakasundo.

Ang pinaka-maigi, kumuha kayo ng abogado kasi, upang hindi kayo ma-dehado, kailangan ninyo ng abogado.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.