Ah, collection agency siguro iyan. Kung sa Pilipinas ito nangyari (kasi hindi ko naman alam kung saang bansa ka naka-utang) hindi nakukulong kung basta pagbabayad laman. Iyon na nga lang, kung may credit card ka, or bank account or anything like that, baka-ma-black list ka. Baka hindi ka na maka-utang muli.
Mahirap iyon kung ikaw ay biglang yumaman at gusto mong bumili ng kotse, baka ma-turn down ka sa financing, so cash mo ba laging bibilhin ang mga big ticket items?
So, kailangang bayaran. Basta babayaran mo naman ang utang mo, willing naman makipag-negotiate ang mga collection agents. So, kung may account number ka, at ang bayad sa utang ay through over-the-counter payment sa banko, gawin mo ulit iyon. Kung gusto mo, tumawag ka muna doon sa banko or lending company. Itanong mo ang status ng account mo, itanong mo din kung puede pang bayaran. Tandaan na ang gusto ng mga banko, laging umiikot ang pera. So, kung magbabayad ka, tatanggapin nila ito. Hingi ka nga lang ng computation, at resibo.
If they insist na parang i-restructure, siguraduhin mong alam mo kung ano ang monthly payments, etc. At kung ikaw ay nagbigay noong una ng post-dated checks, sa bawat bayad mo, dapat ay kaliwaan kayo, ibalik sa iyo ang post-dated check bawat bayad mo.
Pinaka-maigi, komunsulta ka sa abogado. Pasulatin mo ang abogado sa kapwa abogado at nang sila ang mag-negotiate. Kung hindi kayang bumayad ng serbisyong legal, pumunta sa pinaka-malapit na IBP, sila ay may free legal aid. Sa PAO, may free legal assistance din. maraming mga law offices ang may free legal assistance din. Bahagi ito ng kanilang proyekto na makatulong sa iba.