Hindi binigay ang parte ng sanla at ani, hindi ko rin ibibigay deed o sale ng koprahan

Nhek  Correche
is a Caregiver in Qatar

May koprahan po na sinanla sa akin ang ate ko at meron po kaming kasulatan na sa bawat ani ay mayroon akong 1/4 na bahagi. Ng nasa Romania na po siya nangailangan siya ng pera. Tumawag po sya sakin na kung may pera ako, dagdagan ko na lang un sanla. Kaso po la po akong pera on that time. So naghanap po ung isang ate ko ng buyer. Ang nakabili po auntie ko. 100k po ang benta ng ate ko. 70k po ang nabigay nya sa ate ko kasi ang 30k para yun sakin na pagkakasanla.


Ang problema po 4 years na po na nakikinabang ang auntie ko at hindi po nya binibigay ang 30k na sanla at 1/4 na bahagi ng bawat ani ng kopra ayon sa pinagkasunduan namin ng kapatid ko. Ng dumating po and deed of sale ng lupa, nagpunta po ako sa bahay ng antie ko at kinukuha ang pera at parte ng pag ani ay hindi nya po binibigay. Kaya diko rin po binigay ang deed of sale na hawak ko. Ang sabi po ng ate ko, punitin ko na daw po ang deed of sale kasi ayaw man nila magbigay ng pera ko. Ibabalik na lang namin ang 70k na pinadala nila sa ate ko.


Ang problema po ayaw din tanggapin ang perang binabalik namin.. Anu po ba ang magandang gawin tungkol dyan? Ako pa po ang pinapulis noon sa pinas kasi di ko daw binibigay ang deed of sale. Tinakot pa ako ng pulis na makukulong, kaya po ako ng punta dito sa Qatar para maka ipon ng pera para sa lupa na un. Tanung ko po: May karapatan po ba ako sa lupa na yan at may karapatan pa po ba ang ate ko na isauli na lang ang pera ng antie ko? Salamat po ng marami.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, patong-patong na ang mga problemang ito. Una sa lahat, kung ang iyong ate ang may-ari ng lupa, siya ang may karapatang mag-sanla o magbenta nito. Since ang sanla ng lupa ay sa pagitan ninyong dalawa ng iyong ate, ang dapat mong singilin sa sanla ay ang iyong ate. Siya ang may responsibilidad na kuhanin sa tiyahin mo ang dapat na pambayad sa iyo. Ang tawag po dito ay privity of contract.

Walang kinalaman ang iyong tiyahin doon sa usapan ninyo ng iyong ate. Kumbaga, labas siya doon sa transaction na iyon. Maaaring itanggi niya na alam niyang dapat ay ibigay sa iyo ang 1/4 ng bawat ani. Dahil nga sa hindi naman siya ang nagsanla nito sa iyo, ang ate mo.

Pangalawa, hindi ko alam kung may kasunduan ang ate mo at ang tiyahin mo kung puedeng bilhin ulit ng ate mo mula sa tiyahin ninyo ang lupa. Wala ka ring paki-alam doon sa transaction na iyon dahil sa, hindi ka naman kasali doon.

I hate to say it to you, pero ang nakinabang sa lahat ng ito ay ang iyong ate. Nakuha niya ang pera mula sa iyo, hindi ka niya binayaran, hindi ka niya binigyan ng parte mo sa ani, isinanla o ibinenta niya sa iba, tapos, hindi naman niya sinigurong ang pinag-sanglaan o pinagbentahan ay io-honor ang kasunduan ninyo na magbuwis sa iyo o ibigay sa iyo ang P30k na inutang sa iyo. Parang naka-lamang sa iyo ang ate mo. I could be wrong. I hope I am. But, from a legal stand point, iyon ang nakikita ko.

So, ang puede mo laman habulin ay ang iyong ate. Hindi mo puedeng habulin ang iyong tiyahin. Ang ate mo ang puedeng humabol sa iyong tiyahin. Hindi ko alam kung may kasunduan sila, sukat na puede niyang bawiin ang lupa at ibalik ang pera. You need a lawyer. kaso, kung halagang P30,000 lamang ang hahabulin mo, e, mas malaki pa doon ang magagastos mo sa pagde-demanda, parang talo ka din doon.

So, I cannot help you. You need a lawyer. Hindi ko kasi nakita ang mga papeles na hawak mo. So, please talk to a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.