May karapatan ba maghabol ang kapatid ng tatay ko sa lupa namin?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

About po sa lupa na nakapangalan sa tatay ko at naka sulat din po sa transfer of certicate title na married sya sa nanay ko. May karapatan pa po ba mag habol duon ang mga kapatid ng tatay ko? Patay na po pala yung tatay ko.


And isa pa po ay may hindi po kame nakaka sundo na pinsan ko na nakatayo ang bahay sa lupang naka pangalan kay tatay. Sinasabi po kasi nila na may karapatan na din daw po sila sa lupa dahil may 30 years na nakatayo ang bahay nila sa lupang nasasakupan na kapangalan sa tatay ko. Hindi din naman po sila nakaka pag buwis kahit magkano at hindi din naman po ni tatay pinayagan na ipa bato ang bahay nila. May karapatan o habol pa po ba sila sa lupa? Nakapag tayo lang sila ng bahay dahil kamag anak po. Ngayun eh sinasabi nila na may karapatan na sila sa lupang kinatatayuan ng bahay nila.


Thank you po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung ang lupa po ay nasa pangalan ng inyong ama, ang heirs po ng inyong ama ay kayong mga anak. So, kayo po ang dapat na maging susunod na registered owners ng lupag ito.

Kung ang tatay ninyo ang nagpa-tira sa kapatid niya sa lupa, dahil sa patay na ang tatay ninyo, kayo na ang magpapasya kung ayaw na ninyong magpatuloy pa sa pagtira sa lupa ninyo ang inyong mga kamag-anak.

Dahil sa kayo na ang heirs noong registered owner, kayo na ang magpapasya kung paaalisin na ninyo sila. Ang tawag po dito ay ejectment. Ang basis po ninyo para sila'y paalisin ay ayaw na ninyong i-tolerate pa ang kanilang pagtira sa lupa.

Dahil sa alam naman nilang sila'y pinatira lamang doon, kahit na 100 daang taon pa silang doon manirahan, hindi pa rin mapupunta sa kanila ang lupa dahil sa ito'y hindi kailanman mapupunta sa pagmamay-ari nila kung ang inaasahan lamag nila ay ang pagdaan ng taon. Magiging may-ari sila kung bibilhin nila ito sa inyo.

Kumuha po kayo ng abogado sa lalong madaling panahon at nang mapa-alis na ang mga kumakamkam sa inyong lupa. Kaso, tumatag po kayo, siyempre, magagalit sila sa inyo. Kaya po kailangan ninyo ng abogado, para may proteksiyon kayo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming maraming salamat po sa inyong response atty.Bimbi, yung ejectment po ang pwede naming ifile kung gusto nanamin sila patigilin sa pag tira nila sa lupa ng tatay ko? And san po pwede mag file ng ejectment po, at anu po need na ihanda na mga papeles para sa pag file? Muli po maraming salamat sa inyong oras at pasensya na po sa follow up question ko
John Paul  Cabico
is a IT in the Philippines
Atty. Paano po kung naka issue yung title sa tito pero sa pag ka binata pa. Binigyan kami ng parte ng tito sa lupa. Pero pinapaalis kami ng kanyang anak. Wala pong heirs sa title. Paano po dapat naking gawin?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po, gusto ko po sanang itanong parang ganyan din pro yung sitwasyon.. Yung lupa pro na tinitirikan ng bahay namin ay isang mana. Kaso po yung Lola ng papa ko pinatira kmi at pinatayuan pro kmi ng bahay.. Tapos po pinatitulo yun as parents ko..ngayon po may plano pro maghabol yung kapatid ng tatay ko? May karapatan pa po back silang maghabol ngayong nasa pangalan na po ng parents ko? Salamat po :-)

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.