Nabawasan ng Road Widening ang lupa, pwede bang bawiin sa minanang lupa ng kamag-anak?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang aming tatay ay may minanang maliit na lupa sa aming lolo at dito nakatayo ang kanyang/aming bahay. Dito na rin kami nagsipagtayo ng bahay ng ako at ang dalawa kong kapaitd ay nagsipag-asawa.

Sa harap ng nasabing lupa mayroon dalawang kapatid an aming tatay na may kaparehong minanang lupa sila ay malapit sa kalsada (National Road). Nagkaroon ng road widening at nabawasan ng tig dalawang metro ang kanilang mga lupa. Tama po ba na kumuha sila ng tig dalawang metro sa likod o sa aming lupa bilang kapalit sa nawala sa kanila dahil sa road widening?


Maraming salamat po



 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masasagot ang tanong mo. Una sa lahat, hindi mo man lamang sinabi kung kayo'y may kanya-kanyang titulo. Kung kasi may kanya-kanya kayong mga titulo, hindi maaaring basta kuhanin ng mga tiyahin o tiyuhin mo ang lupa na naka-titulo na sa inyo.

Pangalawa, iyang ang isang disadvantage ng lupa sa delantera -- talagang subject siya sa eminent domain at kung kailangan na mag-road widening, wala silang magagawa, kundi, tiisin ang kawalan ng isang bahagi ng kanilang mga lupain.

Pangatlo, sinabi mo kasing manahan ito, kung halimbawa'y ang manahan ay naganap na, ibig sabihin ay na-extra-judical settlement na at na-extra-judicial partition na ninyo ang lupain, binding na ito sa mga heirs. Hindi na puedeng baguhin pa.

Pang-apat, kung mabait kayo, puede naman ninyong bentahan ng maliit na bahagi ang mga tiyuhin to tiyahin ninyo. Babayaran na lamang nila ito.

Pang-lima, mukhang ni pader sa pagitan ninyo ay wala kayo, ano? Ibig sabihin ay laway lamang ang basehan ng inyong "manahan" -- magpaka-tibay kayo. Kumuha ng abogado at nang ang inyong mga karapatan ay ma-protektahan. Away pamilya iyan.
Recommend Report abuse
Swanny Swanny
is in the Philippines
Magandang gabi po Atty. Bimbi

ang hawak lang po namin ay tax declaration na nagsasabing ang lupa ng tatay namin ay 444 sq m. ang may pader lamang po ay ang bandang likuran namin pero ang harapan na kung san nandon ang mga tiyuhin namin ay ay wala pa.

pwede po ba kaming lumapit sa LRA para mgapagawa ng titulo base sa hawak naming tax declaration?

Maraming salamat po
Recommend Report abuse
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang LRA po ay isang ahensiya ng gobyerno na nag-iingat sa mga titulo. Hindi po sila nag-i-issue ng titulo kung walang order mula sa husgado. Para mapa-tituluhan po ang isang pirasong lupa, kailangan po kayong dumulog sa husgado.

Masalimuot po ang pagpapa-titulo ng piraso ng lupa lalo na't kailangan ninyong patunayan na kayo'y owner in fee simple. Para magawa ito, kailangan ninyo ng abogado. Kailangan kayong mag-hain ng petisyon.

Baka nga po kailangan pa kayong mag-pa-survey. Or, kung may survey nang nagawa sa lugar ninyo, kailangan ninyong malaman mula sa gobyerno. Hindi ko po kayo mabibigyan ng payong payak or specific. Wala akong nakikitang dokumento ninyo. Kailangang kayo'y pumunta sa abogado at doon sumangguni at mag-tanong.

Ang tax declaration po ay hindi proof of ownership. Kahit na sino po ay puedeng mag-deklara ng bahay for tax purposes (kahit hindi nila pagmamay-ari ang lupang kinatitirikan ng bahay). so, hindi po matibay na ebidensiya ng ownership (or pagmamay-ari ang tax declaration lamang).

The best is to consult a lawyer. Your lawyer can help you find proof of ownership that can be used to make a claim and ask the courts for a title to be issued in your name.
Recommend Report abuse

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.