Kailangan bang ibalik ang downpayment ng binentang bahay, kapag hindi ito natuloy?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nag-attempt po father ko na ibenta ang bahay ko at nakahanap naman sya ng buyer gamit ang Xerox copy ng bahay. Nakapagbayad na sya ng 300k sa Tatay ko.

Nung nalaman po namin, kinausap po namin ang buyer na hindi ipinagbebenta ang bahay. Ang gusto po niya, bayaran ko ang 300 thousand with interest, or ibenta ko ng tuluyan ang bahay. Ang nanay ko po ang hina-harass ng buyer na magbayad dahil wala naman work ang tatay ko. At nagbanta pa sya na magsasampa ng kaso sa Tatay at Nanay ko.

Damay po ba kami dyan sa kaso na isasampa nya? At obligado po ba kami na bayaran ang pera kahit wala naman ako authorization na ibenta ang bahay?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ah, magulo ang kwento. Una, mahirap ma-xerox ang bahay, baka titulo ng bahay. Ang titulo ba ng bahay ay nasa pangalan mo o ng tatay mo? Pangalawa, may special power of attorney ba ang tatay mo? May kapangyarihan ba siyang ibenta ito?

kasi, kung ang titulo ay nasa pangalan mo, at walang SPA ang tatay mo, tanong ko lang sa bumibili -- may sira ba ang ulo niya? Bibili siya ng bahay mula sa isang taong hindi naman nag-mamay-ari at walang SPA? Hindi siya buyer in good faith.

Dahil sa ang tatay mo ang tumanggap ng downpayment -- downpayment -- hindi earnest money? Magkaiba kasi ito, eh. Ang downpayment ay kasali sa purchase price. Ang earnest money ay bayad para ang isang lupa ay ipangakong ibebenta sa isang tao at hindi na ibebenta pa sa iba. Iyong earnest money, usually, hindi na kailangang ibalik kahit na hindi magkatuluyan ang bentahan eventually kasi, iyong earnest money ay pambili ng panahon at pangako, hindi ito pambili noong lupa mismo. Ang downpament ay iba. Ito ay bahagi ng purchase price na iyong unang ibabayad para ipakita ang iyong willingness at kakayanan na magbayad noong kabuuan.

Kung hindi nanay mo ang nakatanggap noong P300,000 hindi dapat siya ang magbayad. Dapat ay ang tatay mo ang harass-in noong bumibili, sila ang nag-usap, eh. Sila ang may privity of contract. Ikaw at ang nanay mo ay labas sa usapang ng tatay mo at noong buyer.

Kung alam ko lang ang buong mga pangyayari (ang alam ko lamang ay ang version mo, ha? Wala akong nakitang mga dokumento, hindi ko alam kung ano talaga ang lahat ng mga nangyari) sasabihin kong, kung malakas ang loob ninyo, hamunin ninyong magdemanda na lamang. Kasi, makikita na hindi sila buyer in good faith, na may sabwatan sila ng tatay mo at ang tatay mo, na siyang nakatanggap noong salapi ang dapat managot, hindi kayo ng nanay mo. Problema na ito ng tatay mo.

Kaso, alam mo naman sa Pinas -- kung lupa sa paso, pinag-aawayan, bahat ay lupa pa? Mag-ingat. people have hired hitmen na riding in tandem over smaller things.

It would be best for you to contact a lawyer to whom you can divulge all the details and make disclosures about the entire transaction. I cannot give you legal advice here. I can only tell you what the law says. I am not giving legal advice. Get a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.