OFW hndi nagsusustento dahil ina ang nakikinabang

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

atty ako po ay isang ofw here in jeddah. ako po ay may asawa at dalawang anak sakanya pero bago kami magpakasal may kinasama na ako at may tatlo kaming anak. mula ng umalis po ako hndi na ko nagsustento sa mga anak ko sa labas wala kaming comkunication ng ina ng mga bata. mahal ko ang mga anak ko pero pano naman po ako magsusustento hindi naman po sa mga bata napupunta ang pera nung nasa pinas pa ko nagbbgy ako after ilang araw manghihimgi na naman sasabihin nung tatay nung kinasama ko walang gatas walang baon samntlng kakabigay ko lang tapos malalaman ko pinangpainom nung mgaling kong kinasama ang perang binigay ko wala po syang trabaho ayaw magtrabaho ngayon may kinakasama na naman. iniisip ko po kung uuwi ako pwede po ba akong makasuhan at mabgyan ng hold departure order kahit may kinakasama na ung babae? ano po bang pwede kong ipanglaban dun at pwede kong pag iwasan? hnhntay ko lang po lumaki mga anak ko ayaw ko lang na dadaan sa ina nila ang pera kasi may pamilya na din ako at ayokong magpakahirap para lang sa luho nya at ng pamilya nya hndi naman sa anak ko mapupunta ang pera. salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una, ang mga anak ay dapat suportahan. This is your parental obligation. Ngayon, hindi naman komot may karapatan ang mga anak mo na sila'y suportaha, ibig sabihin ay lahat na lamang nga kanilang pangangailangan ay sa iyo manggagaling ang pantustos. Dalawa ang mga magulang ng mga anak mo, ikaw at iyong dati mong kinakasama. So, dapat tuwang kayo sa pagsuporta sa mga anak ninyo.

Sa totoo, sa ilalim ng batas na VAWC (violence against women and their children), maaari talagang magdemanda ang babae laban sa asawa o kinakasama na ayaw mag-provide ng support para sa mga anak. Kasong kriminal ito kaya, puede talagang mag-issue ng hold-departure order. Iyon na nga lang, kung mag-issue ng hold-departure order ang husgado, eh, di lalo namang walang maipang-susuporta sa mga anak.

Ang dapat siguro ay mag-bukas ka ng account para sa mga anak mo sa una (kung 16 years old na ang anak mo, maaari mo nang ibukas sila ng account). Sa pangalan na ng bata mo ilagay, at ang ATM ay ibigay mo na sa bata. Sa gayon, ang bata na ang makaka-kuha ng pera.

Kung masyadong bata naman ang iyong mga anak, ipag-bukas mo ng account na ITF. Tapos, paki-usapan mo na lamang ang kanilang lola or someone you trust na mag-withdraw para may magastos ang mga anak mo. Ang mahalaga kasi, ay mayroon kang ipapadala at may record na ikaw ay nagpapadala ng regular. Kung saan man ito gamitin, kung ito'y kamkamin ng kinasama mo o ito'y gastusin sa bisyo, hindi mo na ito mako-kontrol. Pero, ang mahalaga, may ipinadadala kang regular para sa mga anak mo. Iyon lang naman ang hahanapin ng husgado sa iyo. Basta may depensa kang ganoon, na ikaw naman ay nagpapadala, walang magagawa ang husgado laban sa iyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.