Pag angkin sa lupa ng anak sa labas ng asawa ng May-ari ng lupa

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May karapatan po ba ang isang tao na mang angkin ng lupa na pag aari ng asawa ng kanyang ina kahit di po ibinigay sa kanila ang titulo. Ang original na may-ari po ng titulo ng lupa ay nakapangalan sa asawa ng kanyang ina, wala pong anak ang mag-asawa, ang babae po ay nagkaanak sa ibang lalaki na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, ng ipinanganak ang bata ay inilagay ng nanay nya ang apilyedo ng kanyang asawa sa birth certificate. Nung nagsasama pa silang mag asawa ay pinatira ng lalaki ang nag iisang kapatid na kanyang asawa sa lupa nito sa malabon kasama ng kanyang pamilya naging maganda naman ang ugnayan ng magbayaw, samantala ang mag-asawa ay naninirahan sa cagayan kung saan naroon ang pamilya ng lalaki, nang ang mag-asawa ay nagkahiwalay ay inihabilin sa kanyang bayaw ang pangangalaga sa lupang kanilang tinitirhan at kasama sa iniwan ay ang orihinal na titulo nito dahil sa kabila ng paghihiwalay nilang mag asawa ay nanatili ang respetohan ng magbayaw, na di naman tinutulan ng asawa nito, hanggang sa kinamatayan na ng may-ari ay duon na nakatira ang bayaw at ang pamilya nito, ngunit ng lumaon sa di inaasahang pangyayari nakuha ng anak ng asawang babae ang orihinal na titulo sa kanyang tiyuhin dahil na rin siguro sa katandaan dahil malaya naman itong nakakapasyal sa kanilang bahay at ng mag asawa na ito ay naipa transfer na nito ang titulo sa kaniyang pangalan at sa kanyang naging asawa, sa ngayon po ay nagsipag yao na ang kanilang mga magulang, at ang nakatira na po ay pawang mga anak na lamang na ang karamihan sa kanila ay mga senior citizens na pinsang buo ng umaangkin ng lupa, maging sila ring pamilya ay naninirahan sa cagayan at ngayoy namamalagi sa US. May karapatan ba syang angkinin ang lupa kahit di sya tunay na anak at di ibinigay sa kanilang mag-ina ang titulo ng lupa? Gusto daw nilang ibenta ang lupa kaya pinapaalis nila ang mga nakatira, nagsabi rin ang kaniyang mga pinsan na syang nakaira sa lupa na willing silang bilhin na lang ang lupa para lang matapos na ang usapan ngunit sa presyong tama base sa sinasaad ng assessors value at bilang kamag-anak ngunit ayaw nilang pumayag, may kausap na daw silang bibili ng lupa, tama po ba yun? sana mabigyan nyo po ng kahit konting paliwanag ang problemang ito, salamat po ng marami.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang tanong po ninyo ay kung may karapatan siya? Sinabi po ninyo na naipa-transfer na niya ang titulo sa pangalan niya.

That is what you have to question. You need to talk to a lawyer.

Una, napaka-haba ng inyong kuwento.
Pangalawa, medyo masalimuot ito.
Pangatlo, kung kasal iyong babae sa lalaki, at sila ay ikinasal sa ilalim ng Family Code (1989) hati sila doon sa lupa kahit na sila'y walang anak. So, ang kalahati ay doon sa babae. Kalahati lang ang puedeng manahin ng mga magulang o kapatid noong lalaking yumao
I'm not even sure if I understood the story.

You really need to talk to a lawyer. You have to show the lawyer photocopies of the title in the name of your relative and the photocopies of the title that has been transferred to the name of the illegitimate son of the wife (kaso, if the wife succeeded na ipangalan ang bata sa pangalan noong asawa niya, the law looks at this as an acknowledgment of paternity -- bale, tinatanaw na niyang anak niya, dahil sa hindi siya umalma noong ipagamit ang apelyido niya).

You see how complicated the issues are? Hindi puedeng masagutan dito iyan. You need to see a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.