Pinadalhan po kami ng summon and complaint sa kasong UNLAWFUL DETAINER. Binigyan po kami ng 10 araw to respond, ngunit sa di maiwasan na kadahilanan dala ng kahirapan at katandaan ng mga nasasangkot, hinde po ito nasagot sa tamang panahon. Maari pa po ba kami makiusap sa judge na bigyan pa kami ng extension para makahanap ng abogado o huli na po para sa amin dahil ito ay mauuwi na sa default?
Ang akin pong biyenan kasama ang 35 pang ibang pamilya ay naninirahan sa lugar na ito ng higit pa sa 50 taon na. Ang iba pang kasama sa summon ay patay na. Ang titolo na pinakita ng nagsasabing mayari daw ay nasa 120 square meters lamang ngunit ang lugar namin ay nasa mahigit 400 square meters ang laki. Paano po ba namin mapapatunayan na mali at di naaayon ang lupang kanila daw pagmamayari ay kung saan nakatirik ang aming mga pamamahay?